Fabio Ide, mas masarap daw ang babae kaysa bakla

ADVERTISING

Fabio Ide, mas masarap daw ang babae kaysa bakla

Fabio-IdeNAGING TOTOO lang sa sarili si Fabio Ide nang tanungin ng press kung pumatol na ba siya sa isang bakla? Ang walang malisya, pero binigyan ng hindi magandang sagot ni Fabio na: “Babae marami. Mas masarap kasi ang babae kaysa bak..,” nakangiting say ni Fabio.

ADVERTISING

Pero dahil tila may nasaktang gay sa ginanap na presscon ng Destiny Rose, kung saan si Fabio ang lalabas na boyfriend ni Ken Chan na isang transgender sa naging sagot niyang mas masarap ang babae… Kaagad bumawi si Fabio na joke lang.

Tinanong tuloy siya uli kung binibigyan ba niya ng financial support ang kanyang anak. ‘Di ba nagkaroon pa ng isyu sa kanya at sa pamilya ni Melissa Mendez dahil ayaw kilalanin ni Fabio ang bata na siya ang ama? Nagkaroon kasi ng relasyon si Fabio at ang anak na dalaga ni Melissa na nabuntis nga nang wala sa panahon.

Buong pagmamalaki namang sinabi ni Fabio na okey na siya at ang pamilya ni Melissa dahil kinilala na niya ang bata. Katunayan ay ginagamit ng bata ang kanyang apelyido at nagpapadala siya ng financial support para sa bata.

ADVERTISING

Natanong si Fabio kung may romantic moment ba sila ni Ken sa serye. Mayroon daw silang eksena na ginawa sa kuwarto, pero mananatili raw sa kuwarto kung anuman ang ginawa nila dahil nag-iingat sila na masita at mapag-initan ng MTRCB.

Samantalang hindi naman napigilan ni Ken ang umiyak habang ginaganap ang presscon ng Destiny Rose. Hindi raw kasi siya makapaniwala na sa dami ng Kapuso talents, sa kanya ipinagkatiwala ang role na matagal na niyang pangarap, na magkaroon ng solo lead serye.

Thankful si Ken sa big bosses ng GMA 7 at kay Kuya Germs Moreno na siyang tumtayong manager ngayon ng young actor.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING