‘EXTRA’ LANG DAW: Kris Aquino, biktima na naman ng mga utak talangka!

ADVERTISING

'EXTRA' LANG DAW: Kris Aquino, biktima na naman ng mga utak talangka!

'EXTRA' LANG DAW: Kris Aquino, biktima na naman ng mga utak talangka!
Kris Aquino in Crazy Rich Asians

KALOKA ang ibang mga kababayan natin.

ADVERTISING

Lalo na ‘yung walang magawa sa buhay at ang ginagawa na lang ay mag-abang ng maba-bashed sa social media.

 Si Kris Aquino ay marahil isa sa mga favorite na i-bashed ng mga mga ito na parang wala na nakikita na magandang bukang liwayway sa buhay nila.

May basher kasi ngayon si Kris na sa pagkakasali niya sa international movie na Rich Crazy Asians na tinawag siyang “extra”.

ADVERTISING

May sagot ang Queen of All Media:  Thank you… it is sooooooo difficult to not speak my TRUTH. Because when people watch the movie they’ll know what i mean.

“I was given strict instructions to not say a word until the go signal from @wbpictures office gives me the Philippine trailer to upload…” paliwanag niya sa kanyang Instagram account.

Happy si Kris sa role niya sa movie. Tulad ng kasabihan sa showbiz na hindi kailangan mahaba ang role mo sa isang project tulad ng pelikulang ito, mas mahalaga ang importansiya mo sa kuwento na siya rin ang pananaw ni Kris.

Paliwanag niya sa basher at sa lahat na nagba-bashed sa kanya:” “ito lang po ang pwede kong sabihin- IKINATABA ng puso ko na sobrang nagmamahal sa lahat ng Pilipino na nakikipagsapalaran sa lahat ng sulok ng mundo sa maliit o malaki mang posisyon, na ako yung napili for this role. Kasi nga binitbit ko yung ‘identity’ natin.”

Kung hindi importante si Kris sa pelikula, e di hindi sana siya imbitado sa red carpet premiere na magaganap sa August 7 sa TCL Chinese Theater sa Hollywood, California sa USA.

Ang mga Pinoy talaga na walang magawa, mga utak talangka na mga kababayan ni Krissy.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING