EXTENDED NA NAMAN!‘Ang Probinsyano’ ni Coco Martin hindi pa tatapusin sa April 2021

Leo Bukas

HINDI PA tatapusin ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito ang nilinaw ng ABS-CBN’s Corporate Communications sa tsismis na malapit nang matapos ang top-rated teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin. Lumalabas din sa ilang balita na ngayong April 2021 ito mag-i-end.

EXTENDED NA NAMAN!‘Ang Probinsyano’ ni Coco Martin hindi pa tatapusin sa April 2021
Coco Martin

Sa Instagram post ng veteran columnist at entertainment editor ng Philippine Star na si Ricky Lo ay pinabulaanan din niya ang balitang  tatapusin na ang FPJAP. Ang source daw niya na hindi na niya pinangalanan ay mismong taga-prodution ng FPJAP.

Extended din daw hanggan sa July ng taong 2021 ang teleserye ni Coco na malapit ng mag-celebrate ng kanilang 6th year sa ere.

“#Tuloy!!! …FLASH: Coco Martin’s long-running Kapamilya action series ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ has been extended until July this year, just two months short of its 6th anniversary. Got this good news from somebody who is involved in the production.

“Premiered in Sept. 2015, the series chronicles the exploits of the ‘unkillable’ cop Cardo Dalisay played by Coco. Continue watching it on A2Z and other Kapamilya channels. Right on, Coco!!!” post ni Ricky Lo.