Executive ng Dos, nainsulto sa award ka-tie ang Siyete!

BLIND ITEM: May nagtabla sa isang major award nitong nakaraang Star Awards for TV, pero hindi na namin babanggitin pa ang mga personalidad who went up the stage of the AFP Theatre. But obviously, the recognition was shared by ABS-CBN and GMA.

Casually eavesdropping sa kuwento ng isang kabarong kateybol sa isang recent showbiz event, medyo nahiya pa siya when he caught our attention.

Du’n namin natuklasan ang laking sentimyento ng isang taga-Dos sa napaghatian nilang parangal ng katunggaling istasyon. Aniya, malaking insulto raw sa kanila—na buong puwersa pa manding umakyat ng entablado para tanggapin ang tropeo—na tie ang naging resulta para sa pinakamataas na kategoryang ‘yon.

 

By Ronnie Carrasco