Exchange of vows of Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado is very intriguing

ADVERTISING

 Exchange of vows of Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado is very intriguing

 

ADVERTISING

 Exchange of vows of Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado is very intriguing ISA AKO SA mga ninang sa renewal of vows nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado nu’ng nakaraang Sabado. Pero nag-Startalk muna ako at sa reception na lang ako humabol.

Super ulan pa kasi at ma-traffic kaya nagdesisyon na akong sa reception na lang sa Sofitel ako. Saka isa pa, hindi kasi ako napagawan ng damit kay Paul Cabral.

Naaliw naman ako sa reception dahil doon pumunta ang halos lahat na mga imbitado. Natuwa nga ako nang nakita ko si Regine Velasquez na malaki na ang tiyan, ‘Day! Nakakatuwa pa dahil kumanta nga sila ni Ogie Alcasid bilang regalo na nila ‘yun kina Bong at Lani.

ADVERTISING

Hindi rin nagpahuli sina Bong at Lani, super kanta rin sila kaya masaya ang selebrasyon. Medyo nakakaintriga at emotional ang seremonya nila sa simbahan lalo na sa exchange of vows na inihanda nilang dalawa.

Ang isa sa mga memorable na linya ni Bong para kay Lani: “You are the only soul meant on this Earth for me. I’m yours alone forever.”

O, ‘di ba? Kaya ang ibang babae diyan na type pang agawin si Bong, tumigil na, ‘no!

Siyempre naiyak si Lani sa mga si-nabi ni Bong. Pero humirit din ito sa vow na sinabi niya na nakakaintriga.

Sey nito: “I don’t expect hurt anymore from ‘you know what department’ from now on, Papa. Thank you for being my greatest leading man. Sana mahalin mo pa ako lalo na ngayong ako’y lola na.”

Naiyak nga ang mga anak ni Bong at isa sa tuwang-tuwa si Inah na nag-celebrate din ng anniversary nila ni Vince sa araw na ‘yun.

Maayos na nairaos ang renewal of vows nina Bong at Lani, kaya congratulations sa inyong dalawa.

 

NAKUNAN PALA NG Startalk ang pictorial nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia kasama ang anak nilang si Alex Jazz para sa isang magazine.

Nu’ng nakaraang Sabado lang ang pictorial at nakakatuwa silang tingnan dahil nabuo sila para sa kanilang anak.

Gusto naman daw nilang maipakita kay Alex Jazz na buo rin sila kaya pumayag silang magpa-pictorial na magkasama.

Nagpahayag naman si Patrick ng suporta kay Jennylyn lalo na’t nali-link ito nga-yon kay Luis Manzano.

Nilinaw naman ni Jennylyn na hindi pa sila ni Luis pero exclusively dating nga raw sila.

Kahit nakikita silang magka-holding hands sa concert ng Maroon 5 nu’ng nakaraang linggo, wala raw malisya ‘yun dahil talagang magka-date lang daw sila at wala pang na-develop nang higit pa du’n.

Wish ni Patrick kay Jennylyn, sana makakita na raw ito ng tamang lalaki para sa kanya.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING