Ex-wife na si Liezel, galit na galit kay Robin NAGIGING PABAYA DAHIL KAY MARIEL?!

NAGULAT KAMI SA isang tawag na na-receive namin. Galing ‘yon sa ex-wife ni Robin Padilla na si Liezel Sycangco.

Malungkot ang boses ni Liezel. May gusto siyang iparating kay Robin dahil hindi na raw siya pinapansin kapag pinadadalhan niya ito ng mga messages sa text.

Umaapela si Liezel kay Binoe na sana e, ibalik na niya ang kanilang anak na si Ali sa Australia. Matitindi ang mga dahilang na binitiwan ni Liezel.

Bukod sa pinababayaan daw at anim na linggo nang hindi nakikita ni Liezel ang kanyang anak na si Ali e, tinuturuan pa raw ito ni Binoe na mambabae at magkaroon ng apat na asawa paglaki.

Si Mariel ang itinuturong culprit ni Liezel. Masyado raw kasing naging busy si Binoe kay Mariel, kung kaya’t hindi niya naaasikaso ang kanilang anak na si Ali.

Kadalasan daw, pinatitira pa ni Binoe si Ali sa kanyang mobile house at ayon kay Liezel, hindi raw ito normal sa isang bata. Nakikiusap si Liezel sa kanyang ex-husband na sana e, ibalik na ni Binoe ang kanilang anak sa kanya.

Pumayag daw si Liezel noon na dalhin ni Binoe si Ali sa ‘Pinas dahil sa pangakong hindi na ito mag-aasawa uli. Pero dahil sa pagkahumaling daw ng action star kay Mariel e, nag-iba na raw ang takbo ng kanilang mga plano.

Hmm… siguradong malaking isyu na naman ito na pag-uusapan ngayong linggo na ito.

SA TOTOO LANG, nakami-miss din ang magaling na singer, ang totoong diva na hindi na kailangan pang sumigaw para bimirit, si Faith Cuneta.

Kasalukuyang nasa European tour ngayon si Faith and by September e, regular siyang mapapanood nang live sa Resorts World, New Port City.

Dalawang taon na ang nakararaan nang huli siyang naglabas ng album. Mabuti na lang at ibinalita sa amin ng Galaxy Records headed by William Lim na on the process na ang kanyang latest CD under Polyeast.

Magaganda raw ang revival songs ni Faith pero ayaw pa niyang banggitin ang laman ng mga tracks.

Dahil diyan, aabangan namin ang CD ni Faith. Pwamis!!!

For reaction, please e-mail: [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleAnne Curtis, nagiging pasaway sa Showtime?!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #148: August 9-10, 2010

No posts to display