Ex-That’s Entertainment member Jun Miguel Paronda, may sarili nang casting agency

Ex-That's Entertainment member Jun Miguel Paronda, may sarili nang casting agency

Jun Miguel Paronda
Jun Miguel Paronda

Natutuwa naman kami sa ala-alaga namin nu’ng “That’s Entertainment” time na si Jun Miguel Paronda na miyembro ng sikat na sikat noong “That’s Boys” na mga child actors na pinagsama-sama at ginawan ng grupo ng the late German Moreno.
After ngang mawala sa ere ang “Thats Entertainment”, nabuwag na ang kanilang grupo at nag-concentrate si Jun Miguel sa pag-aaral at nagkaroon pa rin ng TV guestings at nakagawa rin ito ng mga pelikula at TV commercials.
At ngayon nga, balik-showbiz si Jun Miguel, pero this time ay meron na siyang casting agency katuwang ang kanyang mabait at magandang may-bahay, kung saan merong silang mga class A na mga batang mabentang-mabenta sa TV commercials at ilan dito ay ang kanya mismong mga anak na puwedeng-puwede ring mag-artista, dahil maganda at mga guwapo at katulad ni Jun Miguel ay very talented din.
Bukod sa kanyang casting agency, may iba pang negosyo si Jun Miguel katulad ng sosyal na sosyal na spa na located sa Parañaque na puntahan din ng local celebrities.

John’s Point
by John Fontanilla