Ex-PBB housemate Jamilla Obispo nakipagsabayan kay Angeli Khang sa ‘Mahjong Nights’

DO YOU STILL remember Jamilla Obispo? Siya ang beautiful morena teen mom na pumasok sa kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition. Ka-batch niya noon ang current superstars na sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Matatandaan na naging fan favorite din si Jamilla dahil marami ang naantig sa kanyang istorya. Hindi man ito nanalo, nagbukas naman ang mundo ng showbiz sa kanya.

Ex-PBB housemate Jamilla Obispo nakipagsabayan kay Angeli Khang sa 'Mahjong Nights'
Jamilla Obispo

Inikot ni Jamilla ang mga TV shows ng ABS-CBN noon. Dahil nag-uumapaw ang kanyang sex appeal, madalas din itong lumabas sa men’s magazine kung saan nang-aakit ang kanyang mga tingin. Years later ay tinupad niya ang pantasya ng kalalakihan nang lumabas ito sa 2011 sexy film na ‘X-Deal‘, kung saan may maiinit siyang eksena kasama sina Paloma at Jon Hall. Ito rin ang nagsilbing kauna-unahang sexy film na idinirek ni Lawrence Fajardo.

Siguro ay tumatak sa direktor ang kamandag ni Jamilla kaya kahit na semi-retired na ito sa showbiz ay kinuha niya muli ang serbisyo ng hot momma. Nagbabalik-showbiz ang ex-PBB teen housemate sa pamamagitan ng Vivamax film na ‘Mahjong Nights‘, kung saan bida ang batang-bata na si Angeli Khang. Siguradong mae-excite lalo ang kalalakihan dahil hindi nagpatalo si Jamilla sa hubaran. May mainit na eksena rin ito sa kotse kasama ang kanyang ‘boytoy’ na si Gaspar (played by Sean de Guzman). Hindi lang basta laplapan ang kanilang ginawa – opo, nagpakita ng alindog ang certified hot momma!

Sa mga fans ni Jamilla na hindi napanood noon ang X-Deal sa mga sinehan, suwerte ninyo dahil mapapanood na rin ito ngayon sa Vivamax. Sa katunayan, habang isinusulat namin ito ay #1 film sa Vivamax ang X-Deal at pangalawa ang Mahjong Nights. Alam na!

Magtutuloy-tuloy na kaya ang pagbabalik-showbiz ni Jamilla Obispo? Abangan natin ‘yan!