Ex-husband ni Candy Pangilinan nagpaalam lang na maglalaro ng golf pero hindi na bumalik

Leo Bukas

ISA SA NAGING rebelasyon ni Candy Pangilinan sa interbyu sa kanya ni Toni Gonzaga sa latest vlog nito sa Youtube ay may kinalaman sa kanyang naging marital problem.

Inamin ng aktres na before ng wedding nila ng kanyang dating partner ay hindi na talaga okey ang kanilang relasyon. Mas lumala pa raw ang kanilang problema nung nabuntis siya.

Ex-husband ni Candy Pangilinan nagpaalam lang na maglalaro ng golf pero hindi na bumalik
Candy Pangilinan

Si Quentin na isang “special child” ang naging anak ni Candy sa dating karelasyon

“Actually ganito yan, eh, even before I got pregnant medyo malabo na kami. We were together for 10 years tapos nung kinasal kami, medyo malabo na kami, even before kami ikasal.

“Mayroon na akong nahuli, mga ganyan. Pero kasi ‘yung babae ‘yung feeling mo parang… people change. Feeling ko a baby will save it. Kaya nag-decide ako magbuntis. So, nagbuntis ako, but no!” kuwento ni Candy.

“Before I gave birth  nandiyan pa naman siya, sinasabi niya sa akin iiwanan niya ako. Sinasabi naman niya sa akin at least nag-aabiso. Ang term pa nga niya ‘souvenir’ hindi ko makakalimutan yon. I was very pregnant then,” emosyonal pa niyang pahayag.

Ang kuwento pa ni Candy, nagpaalam lang daw na maglalaro ng golf ang kanyang ex-husband pero hindi na ito bumalik.

“To make a long story short, I gave birth, a month I gave birth umalis na nga siya, hindi na siya umuwi. Nagpaalam naman siya sa akin, sinabi niya maggo-golf siya.

“Nagpaalam siya maggo-golf siya, tapos hindi ko na alam kung anong butas ang tinira niya sorry! Ha-ha-ha!” pabirong sabi ng komedyana pero ramdam mo ang kirot sa puso.

Matinding naapektuhan si Candy ng nangyari kaya minabuti niyang komunsulta sa psychologist.

Aniya,  “Nagpa-psychologists ako, kasi walang gamot, eh. Pumunta ako sa psychologists, kasi sinasabi noong ex ko before, ‘baliw daw ako.’ ‘Baliw ka,’ sabi niyang ganyan ‘kasi pinaghihinalaan mo ako na may babae.’ Sabi ko, ‘So baliw ako,’ kaya siya umalis kasi baliw ako.

“Pero feeling ko talaga meron! Nagpa-check ako talaga sa doktor kung baliw ako. Hindi naman daw.”

Ngayon ay mag-isang binubuhay ni Candy ang anak na si Quentin pero masayang-masaya daw siya.

“Dati kasi, ako kailangan mo akong i-impress. Ngayon hindi na. Simple lang, nakakatuwa,” deklara pa niya.