Ex-GFs ni Richard, welcome sa party ni Annabelle Rama – Chit Ramos

ADVERTISING

Ex-GFs ni Richard, welcome sa party ni Annabelle Rama - Chit Ramos

Ex-GFs ni Richard, welcome sa party ni Annabelle Rama - Chit RamosNag-celebrate na si Annabelle Rama ng kanyang birthday a week ago. At pinili niyang dalawin ang ilang ampunan dito sa Metro Manila (with matching gifts sa mga ulilang bata) bilang paggunita sa kanyang nakaraan. Hindi naman lihim na sa isang ampunan sa Cebu lumaki ang misis ni Eddie Gutierrez at hanggang ngayon ay binabalik-balikan pa rin niya ito tuwing pumupunta siya sa Cebu.

ADVERTISING

Iyon nga lang, hindi yata maawat ang kanyang pamilya na bigyan siya ng isang bonggang party sa mismong kaarawan niya bukas, Martes (Oct.27). Tradisyon na yata ito sa showbiz bago mag-Araw ng mga Patay. At lagi itong star-studded. Pati mga sikat na pulitiko ay nakararating.

[ad#post-ad-box]

Pero, ang pinakahihintay this time ay ang pagdating ng mga chikas ni Richard Gutierrez, past, present and future. Nababanggit sa talaan sina Anne Curtis, Angel Locsin kahit ang socialite ex-dyowa niyang si Georgina Wilson. Siyempre, inaasahan ding dumalo sina KC Concepcion, Cristine Reyes at magkaroon nga kaya ng lakas ng loob ang “Babae Sa Dilim” na si Jewel Mische.

Lahat ng nabanggit nating pangalan ay close kay Annabelle. Mabait kasing bibiyenanin ang mommy nina Richard, Ruffa, at maging si Raymond. Last year, si Raymond ang tanging kausap ni Anne all throughout the evening. Si Georgina naman ay barkada ni Ruffa.I have been witness to their closeness and sweetness noong nasa Kapuso network pa ang dalaga at lagi silang magkatambal ni Richard.

ADVERTISING

Kaya nga kapag nabubulilyaso ang isang relasyon ni Richard, si Annabelle ang unang nasasaktan.

Kahit ang kanyang pamilya ang pursigido sa bonggang b-day party ni Annabelle, nagbilin naman ito na gawing exclusive ang okasyon. Exclusive rin ang lugar, sa Tangerine sa Greenhills.

Kung sa iba ay bawal ang mga nagpo-promote ng kani-kanilang project habang nagce-celebrate si Annabelle, this time hindi. “Miyerkules na kasi ang showing ng Patient X. Alangan namang hindi ito puwedeng pag-usapan. Baka gawin ko pang presscon,” natatawa niyang sabi.

Actually, hindi na humirit pa sina Annabelle sa PG 13 na rating ng horror movie. “Hindi puwede ang mga bata, nakakatakot talaga. Tama na iyon, kaysa naman maputulan pa ng magagandang eksena, sumige na lang kami sa PG 13.”

TIYAK NA MAPAG-UUSAPAN din sa b-day ni Annabelle ang napakagandang Maalaala Mo Kaya episode ni Cristine na ipinalabas noong Sabado. Kasama niya sa Sulo episode ang napakagaling na si Irma Adlawan at ang comebacking drama actor na si Julio Diaz. Isama pa ang mga batang katulad ni Sharlene San Pedro at director na si Nuel Naval.

Natotoka talaga si Cristine sa mga de-kalibreng project na pawang magbibigay sa kanya ng acting award, kahit hindi niya inaasahan.

Sayang at hindi gaano’ng maingay ang MMK noong Sabado. Hindi tuloy nalalaman ng mga televiewers, kung gaano kaseryoso ang tema ng episode.

Tiyak na aani na naman ng papuri si Cristine dahil sa MMK episode na ito  tulad ng Kahit Isang Saglit, Eva Fonda at Patient X.

BULL Chit!
by Chit Ramos

ADVERTISING