Ex-GF ni Joem Bascon, feeling ‘angry’ and ‘betrayed’ sa paglantad ng relasyon nila ni Meryll Soriano

MULING umingay ang pangalan ng vlogger na si Crisha Uy nang lumabas ang balitang nagkabalikan na ang kanyang now ex-boyfriend na si Joem Bascon sa ex-turned-present girlfriend nito ngayon na si Meryll Soriano na ngayo’y mga proud parents na ng isang baby boy.

Sa kanyang recent vlog upload titled “Reacting to Comments About ME and My EX (LAST NA TO HA?)” noong Linggo, January 17 ay binunyag nito na matagal na siyang aware na nagkabalikan sina Joem at Meryll.

Ex-GF ni Joem Bascon, feeling 'angry' and 'betrayed' sa paglantad ng relasyon nila ni Meryll Soriano
Crisha Uy | Joem Bascon and Meryll Soriano

“Yung totoo, alam ko talaga. Alam ko na yun,”

“Alam ko na yung totoo. Alam ko yung relationship nila (and) their bundle of blessing, long way before pa na-upload yan.”

Hindi man siya nagbanggit ng pangalan, obyus naman na ang kanyang ex-boyfriend na nakarelasyon niya for eight years na si Joem Bascon at si Meryll Soriano ang kanyang tinutukoy.

Noong New Year’s Eve ay kinumpirma ni Meryll na nagkabalikan sila ni Joem after almost ten years ng paghihiwalay at ngayo’y proud parents sila ng isang newborn baby.

“Nagalit ako. Nagalit ako kasi bumalik yung feelings ko na I was betrayed all over again,” Crisha said on her vlog. “Iba pala yung feeling na nakita mo versus yung kinuwento or chinika lang sa ‘yo.”

“Parang feeling ko kasi kailangan ko ilabas yung naramdaman ko that day, yung galit ko, yung sakit na yun, kung ano man yung naramdaman ko that day. Hindi dahil mahal ko pa siya—kasi nakamove on na ako e. Ano lang, finally, finally na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. Na I was lied to.”

Dagdag pa niya: “Kasi I gave them the benefit of the doubt before. Pero sampal pala sa mukha noong nakita ko yun. Sampal sa mukha na tama pala yung hinala ko noon,”

Ayon kay Crisha ay naka-move on na raw ito.

“Naiyak ko na yan noong 2019 pa. 2021 na so let’s move on,” sambit niya

“Proseso talaga ang lahat, You know, somewhere along the way, talagang madadapa tulad ng hurdles na ganito. Pero hindi ibig sabihin, magpatalo ka sa emotions mo.”

Ang takeaway niya sa nangyaring ito? “Ang importance ng honesty,” 

“Dapat honest din kayo sa isang failure sa isang relationship, kahit sa breakup stage, kahit masakit.. Kasi if may honesty, may maiiwan na respeto sa isa’t isa.”