Ex-gf ni James Reid, stalker ni Iñigo Pascual

ADVERTISING

Ex-gf ni James Reid, stalker ni Iñigo Pascual

Ericka-VillongcoNABURA SA isip ng ilan ang pagdududa sa gender ni James Reid nang ibulgar ni Ericka Villongco na more than three years daw silang nagmahalan ng una.

Si Ericka ay dating member ng acoustic duo na Krissy & Ericka na ngayon ay pinasok na rin ang showbiz. Isinama siya sa kilig movie na Relaks, It’s Just Pag-ibig na pinagbibidahan ng tatlong teenager na sina Julian Estrada, son ni Senator Jinggoy, Sofia Andres at Iñigo Pascual, anak ni Piolo.

Sa movie, lalabas si Ericka na super in love kay Iñigo, kung saan lagi nitong sinusundan ito at manggugulo sa lovelife ni Iñigo. In short, stalker siya ni Iñigo.

Pero in real life, hindi raw siya naghahabol sa lalaki, kesehodang mahal na mahal niya ang guy. When ask sa ginanap na grand presscon ng movie kung nagmahal na raw ba siya?

ADVERTISING

Walang gatul-gatol at malisya na sinabi ni Ericka, “Yes, kay James Reid. More than three years din pong tumagal ang pagmamahalan namin.”

Ikinagulat ng entertainment press ang ginawang pagbubulgar ni Ericka, kaya naman pagkatapos ng presscon ay pinagkaguluhan ito ng press para uriratin pa kung paano sila nagkakilala at naghiwalay ng sumisikat ngayon na si James?

“Nagkilala po kami nang gumawa kami ng video,” say ni Ericka.

May third party involved ba? At sino ang nakipagkalas?

“Siya (James Reid) po ang nakipaghiwalay. Wala naman pong third party involved. I understand naman po. Siya, gusto niyang mag-focus sa career for his family. He don’t mind fame. Gusto lang talaga niyang matulungan ang kanyang pamilya.”

Five months din daw niyang iniyakan ang paghihiwalay nila ni James. Kailangan daw niyang mag-move on. Masaya rin daw siya sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni James, dahil alam niya na ‘yun ay para sa pamilya ng actor.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING