Ex-bf ng kilalang singer/actress, sangkot din
Vhong Navarro, malalaking tao ang nakabangga?

ADVERTISING

<i>Ex-bf ng kilalang singer/actress, sangkot din</i><br> Vhong Navarro, malalaking tao ang nakabangga?

Vhong-NavarroNAKAKALOKA ITONG nangyari kay Vhong Navarro, ha?! Hindi na talaga matiyak ang security natin, na kahit ang kagaya ni Vhong na kilala, nagawan ng ganu’ng kahayupan.

Sa lahat ba naman na nagawan ng ganu’n, si Vhong pa na napakabait at hindi siya pumapasok sa ganu’ng gulo.

Hindi pa nagsalita si Vhong, kundi si Direk Chito Roño lang muna ang nagsalita dahil ayaw ng abogado nilang magsalita sila at iniimbestigahan pa ito.

Kaya ang daming naglalabasang kuwento tungkol sa naturang gulo. Ang nakakaawa si Vhong, dahil bugbog-sarado na nga, pinagbibintangan pang nang-rape daw. Diyos ko, ‘day! Mangri-rape ba siya?

ADVERTISING

Kaya nag-react si Direk Chito na bakit ngayon lang lumabas ang ganu’ng police blotter. Samantalang naghanap sila sa lahat na mga police headquarter sa Taguig, walang lumabas na record ng blotter.

Nang lumabas na ito sa news, saka naman may lumabas na ganu’ng blotter. Kaya inimbestigahan na ito ngayon ng NBI, dahil ang dinig ko, malalaking tao itong gumawa kay Vhong.

May naririnig na kami kung sino, pero mahirap pa munang isulat kung sino sila dahil hindi naman kumpirmado ‘no!

Basta ang dinig ko, ang isa sa mga involved ay ang dating dyowa ng isang kilalang singer/actress.

Hay, naku! Saka na lang muna kapag meron nang resulta ang imbestigasyon ng NBI.

Ngayong araw yata ay ooperahan si Vhong dahil nasira raw talaga ang ilong niya. Kaya sana gumaling na siya agad para magsalita na siya kung sino talaga ang may kagagawan, at bakit umabot sa ganu’n.

Marami namang mga kaibigan si Vhong sa showbiz na patuloy na nagdarasal na malagpasan niya ito. Sana nga lumabas lang ang katotohanan at mabigyan ng hustisya itong kahayupang ginawa sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING