EulaValdez at Jean Garcia, magsasabong ulit

EulaValdez at Jean Garcia, magsasabong ulit

Eula-Valdez-Jean-GarciaSA LINGGONG ito ay ipapakilala ang bagong karakter na ipapasok sa The Half Sisters at kaabang-abang ito, ‘day!

Ang sabi nila, si Eula Valdez daw ito na makababangga ni Jean Garcia.

Bongga, ‘di ba? Parang itinaon pa yata nila sa pagbabalik din ng Pangako Sa ‘Yo, huh! Bilang may bagong Amor Powers at Claudia Buenavista na sila na pinasikat noon nina Jean at Eula, tamang-tama namang magsasabong sila ngayon sa The Half Sisters. Bongga, ‘di ba? Kaabang-abang nga ‘yan, kaya sa halip na sa April sila magtatapos, mae-extend na naman sila sa June daw. Feeling ko lalo pang aariba sa rating ‘yang The Half Sisters.

 

NAGULAT AKO! ‘Yung dalawang cute na magkapatid na bagets sa commercial ng PLDT FAM CAM, anak pala ‘yan ng rocker na si Basti Artadi.

Malay ko ba sa mga rock rock na ‘yam, pero ang ku-cute ng dalawang bagets na ito na feeling ko magiging artista rin ‘yan sila.

Maganda lang, kasi sisikat din sila kasabay nang pagsikat ng PLDT FAM CAM na ‘yan.

Ini-launch lang kamakailan itong bagong gadget ng PLDT na bagay na bagay sa mga busy mommies.

Lagi rin ako sa labas, pero parang hirap pa akong gumamit ng FAM CAM na ‘yan kasi hindi naman ako ganu’n ka-techie. Wala naman ako gaanong imo-monitor sa bahay namin kundi mga aso ko lang, ‘no!

Pero sa mga interesadong Mommy, madali lang magpalagay nitong FAM CAM sa halagang 99 pesos a month hanggang 499 pesos. Try n’yo na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis