Eula Valdez, ‘di makapaniwala sa best actress trophy mula sa Gawad Urian

Eula-ValdezNATSIKA NG Wow It’s Showbiz! team si Ms. Eula Valdez last Wednesday after na manalo siyang Best Actress sa katatapos na 38th Gawad Urian sa movie na Dagitab. Halatang may hang-over pa siya dahil nga super saya niya at talagang naikuwento niya na suntok sa buwan ang kanyang pakiramdam nang um-attend siya sa gabi ng parangal.

“Hindi na sana ako a-attend, kasi nga feeling ko, hindi naman ako manananalo. ‘Yung mga kalaban ko, magagaling talaga at nanalo na sa ibang bansa. Suntok sa buwan talaga,” sabi niya.

“Dahil nga nabago ang plano, um-attend ako, at para ‘di masayang ay nagmiron na lang ako. Pa-picture dito at pa-picture du’n. Gusto ko pa ngang magpa-picture kay Ms. Mora Aunor, kaso malayo ang upuan niya,” dagdag pa niyang tsika.

Hanggang nang pangalan niya ang tawaging winner ay hindi talaga siya makapaniwala.

“Feeling ko nananaginip lang ako. Kasi nu’ng nasa dressing room ay nakatulog ako sa kahihintay. Presentor kasi ako.

Naghihikab pa ako nang i-focus ang camera na ako ang nanalo. At sinampal-samapal ko ang mukha ko, baka ‘di totoo na winner,” sey pa niya.

“Feeling ko nga kumpleto na ang pagiging artista ko. At gusto kong i-share sa mother ko ang aking trophy. Pangarap niya kasi akong magkaroon ng acting award. Natatatandaan ko noon na sabi niya, “Anak magkaroon ka lang ng award, puwede na akong mamatay.” Sabi ko naman, hindi na lang ako magkaka-award, ‘wag ka lang mamatay,” pahayag ni Eula.

Kung ganoon, sa pagkapanalo niya kagabi, tiyak na nakangiti ang kanyang Mamang.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleAllen Dizon, binigyan ng pampitong best actor trophy ng Gawad Urian para sa Magkakabaung
Next articleIsabelle Daza, nagmukhang bastos at walang pinag-aralan

No posts to display