Eula Valdez at Glydel Mercado, nagsuplada sa fans sa probinsiya

ADVERTISING

Eula Valdez at Glydel Mercado, nagsuplada sa fans sa probinsiya

Glydel-Mercado-Eula-ValdezUMUWI KAMI sa amin sa Nueva Ecija. May mga nakatsika kami sa mga kababayan namin na kamakailan ay nagdaos ng kanilang kapistahan noong huling weekend ng April.

May mga showbiz celebrities na dumayo tulad nina Eula Valdez, Glydel Mercado, Glenda Garcia, Yayo Aquila, Charee Pineda, at kung sinu-sino pa para maglaro ng volleyball bukod pa sa basketball team nina Marco Gumabao, Matt Evans, at Alvin Patrimonio na nagwagi sa exhibition game laban sa local team ng bayan ng Sto. Domingo.

Puna ng mga kababayan ko, may topak daw sina Eula at Glydel. “Mga suplada sila. Hindi man lang ngumingiti,” kuwento ng kausap namin na mas may edad sa amin. Nagsusumbong sila dahil alam nila na nasa showbiz ako.

“‘Yong sina Yayo at Glenda okey sila. Si Charee, pumapayag magpakuha ng picture. Palagi silang naka-smile kapag nagpapa-selfie kami,” kuwento noong isa amin.

ADVERTISING

Ewan ko kung anong topak meron sina Eula at Glydel noong hapong ‘yun the fact na alam nila na pagkakaguluhan sila ng mga tao. Hindi man lang nila mapagbigyan ng konting ngiti (kahit kaplastikan) at ka-showbizan ang mga tagahanga nila.

Dahil in-character pa rin marahil sina Eula at Glydel at nagsuplada, hayun natalo ang celebrity team at ang nanalo ay ang mga taga-Sto. Domingo.

Si Alvin na kasama sa team ng mga basketbolista (win sila), very accommodating, pahabol pa ng kausap namin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING