Eula Caballero, walang tampo sa Singko kahit walang teleserye

Eula Caballero, walang tampo sa Singko kahit walang teleserye

Eula-CaballeroMATAGAL-TAGAL NA ring hindi nakapagbida si Eula Caballero sa isang teleserye. Pero hindi naman nagtampo ang TV5 Princess dahil naging suki naman siya sa mga TV show ng Kapatid Network na Wattpad Presents.

Katunayan, tatlong beses na siyang nakapagbida sa Wattpad, una ay sa Almost A Cinderella kasama si Carl Guevarra, at pangalawa ay sa Just For A While.

Tanong tuloy sa kanya ay kung hindi ba niya nami-miss ang gumawa ng teleserye dahil nagbida na siya noon sa Cassandra: The Warrior Angel at sa Third Eye na isang suspense thriller?

“Siyempre naman po, na-miss ko ang gumawa nang ganyan. ‘Yung last regular show ko kasi was a sitcom, ‘yung One of The Boys.

“Okey lang naman kasi naging suki na nga ako sa Wattpad Presents. At least paiba-iba ako ng character, unlike sa teleserye na iisa lang ang character mo.

“Pero wish ko na magkaroon ulit ng teleserye ang TV5. Ngayon kasi, mas gusto nila ng mabilisang shows lang. Mas praktikal nga naman kung ganito.

“Kahit one week lang, maganda naman ang rating ng Wattpad Presents kasi marami siyang mga fans online at talagang binabasa nila ang mga paperback edition ng mga stories ng Wattpad.”

Kumusta naman ang lovelife ni Eula?

“Zero pa rin po, pero happy pa rin kasi nandiyan naman ang mga kaibigan at magulang ko na nagmamahal sa akin,” nakangiting say ni Eula na mas gumanda at naging seksi na ngayon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo