Eula Caballero, walang malisya kay Daniel Marsh

ADVERTISING

Eula Caballero, walang malisya kay Daniel Marsh

Daniel-Marsh-Eula-CaballeroBONGGA ANG loveiife ni Eula Caballero dahil pinag-aagawan na ito ng mga hunk actor at ang mapalad na nakabihag daw sa puso ng TV5 Princess ay ang hunk leader ng Juan Direction na si Daniel Marsh.

ADVERTISING

Sa taping ng One of The Boys, todo pag-aasikaso raw si Dans kay Eula. Laging tinatanong ang young actress kung kumain na ito. Very vocal din ang half-Briton na handa niyang ligawan si Eula na rito lang daw sa ‘Pinas nakaugalian. Nandoong tinatanong pa nito mismo kay Eula kung paano ba ang tamang paraan ng panliligaw at handa raw nitong gawin.

Kahit halatang kinikilig ang TV5 Princess, kaibigan pa rin daw ang nadarama niya kay Daniel. Ayaw raw niyang bigyan ng malisya ang lahat ng nangyayari ngayon sa kanila ng half-Briton.

Samantalang super saya ngayon ni Eula dahil magagandang project ang ipinagkakatiwala sa kanya ng TV5, tulad nitong One of The Boys na umiikot ang istorya sa kanya kasama sina Joey de Leon, Long Mejia, Empoy, BJ Forbes, atbp na napapanood every Saturday at 8:15 pm sa Kapatid Network.

ADVERTISING

We heard, dahil sa tumataas ang rating ng One of The Boys, baka raw gawing 2 seasons ang sitcom, imbes na one season. Dahil klik at mayroon na rin tagahanga ang tambalang Eula at Daniel Marsh, pagsasamahin sila sa isang romance/comedy show ng TV5.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING