Eula Caballero, takot magpaligaw kay Daniel Marsh

ADVERTISING

Eula Caballero, takot magpaligaw kay Daniel Marsh

Daniel-Marsh-Eula-CaballeroDAHIL PAREHONG May ang buwan ng kaarawan nina Eula Caballero at Daniel Marsh na isa sa member ng Juan Direction, kinantahan sila ng happy birthday sa taping ng One of The Boys, kung saan kasama rin sa cast sina Joey de Leon, Empoy, BJ Forbes at iba pa na napapanood every Saturday sa bagong timeslot na 8:15 pm sa TV5.

ADVERTISING

Pagkatapos kantahan ng staff at production at ilang member ng press ay may kanya-kanya ring birthday gift sina Eula at Daniel na sinasabing may namumuong relasyon.

Isang white gold na kuwintas ang ibinigay ni Daniel kay Eula na isinuot pa mismo ng dayuhan na may dugong Pinoy sa young actress.

Isang pinasadyang black T-shirt na may nakasulat sa harapan na: “Siya ang BF ko” na ang ibig sabihin ay bestfriend ko at hindi boyfriend ko.

ADVERTISING

Ayon kay Eula, eversince daw noon at hanggang ngayon nasa showbiz na siya ay wala raw siyang naging manliligaw.

Ngayon lang daw if ever na totoo raw ang sinasabi sa kanya ni Daniel na aakyat ito ng ligaw.

Inamin kasi ni Daniel sa harap ng staff at producer ng sitcom na crush niya si Eula at nakahandang umakyat ng ligaw kung kailangan.

Pero kahit kinikilig si Eula sa naging pahayag ni Daniel na talagang seryoso itong manligaw ay hindi pa rin bumibigay si Eula sa pag-aalala na baka masaktan lang siya kapag nagmahal.

Anyway, dahil sa tumataas ang rating ng One of the Boys, ayon sa executive producer ng sitcom, baka raw ma-extend pa ng one more season ang sitcom.

Nagpahayag din ang EP na may inihahanda na silang romantic/comedy show para kina Eula at Daniel.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING