Eula Caballero, taken na, deadma sa pagpapa-cute ni Carl Guevarra

ADVERTISING

Eula Caballero, taken na, deadma sa pagpapa-cute ni Carl Guevarra

Eula-Caballero-Carl-Guevarra“MAGHINTAY SIYA!” Ito ang naging pahayag ng lead actress ng newest TV5’s Wattpad Presents Maid for Korean Brothers na mapanonood simula ngayong araw, June 1, 9 pm, na si Eula Caballero sa isa sa kanyang leading man na si Carl Guevarra nang sabihin nitong matagal na niyang crush ang TV5 Princess.
Tsika nga ni Eula, taken na siya at 5 years na sila ng kanyang boyfriend na si Christian na dati ring nakasama nito sa Star Factor, ang artista search noon ng Kapatid Network.
Dagdag pa nito na okey naman daw ang kanilang relationship ni Christian, kaya naman daw deadma lang ito sa mga lalaking nagpapa-cute sa kanya, kasama na si Carl na itinuturing nitong isa sa close friend niya.
Bukod kay Carl, makasasama rin bilang isa sa leading man ni Eula sa Maid for Korean Brothers si Steven Silva.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING