Eula Caballero, kaibigan lang ang turing kay Daniel Marsh

ADVERTISING

Eula Caballero, kaibigan lang ang turing kay Daniel Marsh

Eula-Caballero- Daniel-MarshAYON KAY Eula Caballero, kaibigan pa rin ang turing niya kay Daniel Marsh na member ng Juan Direction at ka-loveteam sa sitcom na One of The Boys na napapanood every Saturday at 8:15 pm sa TV5.

Pero tingin daw ng staff ng sitcom, may namamagitang maganda sa dalawa magmula nang magsama sa One of The Boys.

Ayaw namang bigyan ng malisya at kahulugan ni Eula ang pagiging close daw nila ni Daniel dahil maganda ang relationship nila sa show.

Hindi naman itinatwa ni Daniel na gusto niya si Eula at handang ligawan ang Prinsesa ng TV5.

ADVERTISING

Samantalang, super saya ngayon ni Eula dahil darating at magbabalik-bayan ang kanyang engineer na ama na naka-assign sa Dubai. Magkakaroon daw kasi ng family reunion ng kanyang ama at ang maganda ay natiyempo pa sa araw mismo ng kanyang kaarawan darating ang ama from Dubai.

Balak tuloy ni Eula na lumuwas na rin sa Cebu sa kanyang kaarawan para doon na rin i-celebrate ang kaarawan kapiling ang kapatid at magulang.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING