EUGENE DOMINGO, PUWEDE NA SA TRONO NI AI-AI DELAS ALAS

ADVERTISING

EUGENE DOMINGO, PUWEDE NA SA TRONO NI AI-AI DELAS ALASKASUNOD NG NARATING na kasikatan ni Ai-Ai delas Alas, si Eugene Domingo lang talaga ang karapat-dapat na makarating din sa todo-todong kasikatan. Sa mga panahong ito, sa kanya lang naman  maibibigay  ang  mala-king pagtitiwala. Subok na kasi si Uge sa pagdadala ng pelikula na kumikita sa takilya. Kung nagkaroon man siya ng mga medyo mahina sa takilya, normal lang ‘yon sa mga nagbibida. Naranasan din naman ‘yan nina Nora Aunor at Vilma Santos.

Hindi pinagbabago ng kasikatan si Eugene. Walang hangin at kayaba-ngan sa kanya, kahit na nakakapagbida na rin siya sa telebisyon at pelikula. Para pa rin siyang laging nagsisimula ngayon sa kanyang career at parating excited kapag may project. Puro siya kasipagan sa trabaho, at kapag nararamdaman niyang pagod na siya, saka pa lang siya magbibigay ng regalong bakasyon para sa sarili. Hindi rin siya takot sa mga gusto siyang ilaglag na mga naiinggit sa kanyang pagsikat. Ang katuwiran ni Uge: Pasipagan na lang sa trabaho ang labanan, basta’t walang ibang taong natatapakan.

ADVERTISING

Ginagawa na lang katatawanan ni Eugene ang kanyang sarili sa hindi niya pa pagkakaroon ng asawa. Pero may kaba rin siya, na baka naman kung makulay at sobrang happy ang kanyang lovelife, hindi naman ganito kabongga ang takbo ng kanyang movie career. Kaya kahit hindi na siya bumabata, nakikiramdam lang muna siya kung lovelife ba o career ang dapat niyang hawakan sa buhay niya ngayon.

CONSISTENT TALAGA ANG movie queen na si Miss Susan Roces pagdating sa pagiging pribado ng kanyang buhay. Mayroon siyang ugali na inirerespeto ng mga taga-showbiz. Hindi naman lihim sa    showbiz   na  nu’ng   nabubuhay pa ang kanyang husband na si Fernando Poe, Jr., nali-link ang Da King sa kung sinu-sinong magaganda at mas batang mga babae. Pero walang iskandalo na nangyayari.

Walang Susan Roces na nagtataray sa telebisyon. Anuman ang nangyari, lalong hinangaan ang beteranang aktres at si FPJ, dahil nanatiling buo ang kanilang pagsasama hanggang sa huling yugto ng buhay ni Da King.

ADVERTISING

Sa laki ng respeto ng mga taga-showbiz na iniuukol kay Susan, lalo na nitong yumao na si FPJ, walang naglalakas-loob na tanungin siya kung papaano itatrato ang mga anak ni Da King. Nariyan kasi si Ronian Poe na anak ng namayapa sa dating aktres na si Anna Marin. Nariyan din si Lovi Poe, na anak naman sa dating model/actress na si Rowena Moran. Walang lumalabas na mga pahayag mula sa movie queen kung ano ang mga plano at nararamdaman niya para kina Ronian at Lovi.

Sa pananahimik ni Susan, sa bibig ng kanyang anak na si Mary Grace Poe (MTRCB chairman) nanggaling ang pagpapatotoo, na mula sa yamang naiwan ni FPJ ay may bahagi na palang ipinagkaloob kina Ronian at Lovi. Hindi ‘yon napag-uusapan, dahil disiplinadong mga anak sina Ronian at Lovi, at hindi sila nagkukuwento tungkol doon.

Saan man naroroon ngayon ang yumaong action king, napakasaya niya marahil sa napakagandang kaganapang nabanggit. Higit sa lahat, lalong tumaas ang respeto ng marami kay Susan. Dahil gano’n lang siya, matahimik, pero busilak ang puso sa kabutihan.

EUGENE DOMINGO, PUWEDE NA SA TRONO NI AI-AI DELAS ALAS

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING