Eugene Domingo, nag-iinarte na?

Eugene Domingo, nag-iinarte na?

Eugene-DomingoHAS EUGENE Domingo become a monster? Ang dami na kasi naming naririnig na nasty stories about her, the most recent of which ay nang pahirapan niya ang isang guy who is requesting a promo video para sa alaga niya.

Noong una ay pumayag na si Eugene basta pagkatapos ng taping ang pagkuha ng video. Pero nang matapos na ang taping ay kung anu-anong aria na ang pinagsasabi. It all boils down to the fact na ayaw niyang gawin. Buti pa si Jose Manalo, game na game sa video promo.

There was also a recent Fashion Pulis blind item which clearly points to Eugene. Sinasabing isang smile lang ay ayaw raw gawin ng komedyante para sa isang commercial. She needs a script pa raw. Ayaw rin niyang magsuot ng hat. Ayun, tsinugi siya sa TV ad.

Any comment, Eugene?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas