Ethel Booba at Blakdyak, purdoy na? – Ruben Marasigan

ADVERTISING

Ethel Booba at Blakdyak, purdoy na? - Ruben Marasigan

Ethel Booba at Blakdyak, purdoy na? - Ruben MarasiganCURIOUS KAMING MAKITANG muli si Ethel Booba in person.  Ang dami kasi naming naririnig na kuwento tungkol sa diumano’y balik sa hirap na kalagayan ng buhay niya ngayon.

ADVERTISING

Kahit mga small time raket daw ngayon na barya-barya ang talent fee, pinapatos na umano ni Ethel magkaroon lamang ng pagkakakitaan.  To think na dati, mapili siya at mataray kung mag-quote ng kanyang presyo na tipong take it or leave it.

Kung dati, sa mga sosyal na comedy bars makikitang nagpi-perform nang live si Ethel, ngayon pati sa mga ordinaryong ihaw-ihaw place na may inuman at iba pang pang-masang gimikan, appear na rin ang byuti ni Ethel to perform.

Sayang at hindi namin inabutan si Ethel last time na mapadaan kami sa isang bulaluhan sa Novaliches, na may performers na mga baguhang banda at struggling stand-up comedians, hindi namin inabutan si Ethel na guest daw nang gabing ‘yon.  Kaaalis lang daw nito.

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

Iba na raw ang hitsura ni Ethel ngayon, lumawlaw na umano nang husto ang kanyang naglalakihang retokadang boobs. Pati ang mga pisngi raw niya na dati ay pina-enhance niya para medyo umumbok dahil ayaw n’yang meron siyang cheekbone, hindi na rin daw pantay ngayon.

Pero ilang kaibigan niya ang nagre-react sa isyung naghihirap na ang nalaos na singer-comedienne.  Sabi raw kasi sa kanila ng dalaga, hindi totoong naghihirap na siya. Sa katunayan, nag-show pa nga raw sa Australia si Ethel kamakailan.

Knowing Ethel Booba, hindi kaya press release lang niya ito?

ISA PANG MAY kuwentong parang pulubi na raw ang ay ang singer-comedian na si Blakdyak na nagbida sa ilang comedy films at sumikat sa novelty songs niyang gaya ng Modelong Charing. Halos mamalimos na raw ngayon ang comedian-singer.

Ang sabi, balik sa lugar na kanyang kinalakhan sa Olongapo si Blakdyak.  Dahil wala raw pinagkakakitaan, palipat-lipat raw siya ng pakikituloy sa bahay ng kung sinu-sinong kaibigan dahil ang kanyang mga kamag-anak, hindi na raw niya malapitan pa para hingan ng tulong.

Ang asawa’t anak naman niya, balik naman sa daw sa poder ng in-laws ni Blakdyak dahil hindi na raw niya kayang buhayin pa.  Hindi man daw niya gustong magkahiwalay sila ng mga ito, kailangan dahil kung hindi, malamang na pare-pareho lang umano silang magtitiis magutom.

Two years ago, natsika namin si Blakdyak sa Sta. Cruz, Manila kung saan siya nagpe-perform kasama ang binuo niyang banda.  During that time, natutuwang ipinagmamalaki pa niya sa amin na nakabangon na siya matapos malulong sa drugs for a while at nangawalang lahat ang naipundar na kabuhayan.

Nagtataka kami ngayon kung bakit muli naming nababalitaang naghihikahos na naman si Blakdyak.

PARANG NA-TRAUMA si Chariz Solomon mula nang matalakan ni Bearwin Meily.  Natetensiyon kapag nauusisa na tungkol sa nasabing insidente.

At understandable naman kung ayaw mang mag-comment ni Chariuz,  Takot ang dalagang lumaki pa ang isyu.

Kuwento ng ilang  production staff ng sinu-shoot ngayong bagong pelikula ni Dolphy kung saan kasama nga sa cast sina Chariz at Bearwin, takot daw talaga sigurong magsalita si Chariz dahil baka nga naman balikan siya nito.

First time nga kasi ni Chariz na awayin at talak-talakan ng kanyang co-star.  At isang lalake pa ang gumawa ng gano’n sa kanya.  Na para bang isang alalay o maid ang tinatalakan.

Kuwento pa ng aming source, talaga raw nanginig sa takot si Chariz nang komprontahin at talakan ni Bearwin.  Para raw kasing mananapak na raw ito.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING