Espesyal pa rin sa binata
Sarah Geronimo, kinikilig pa rin kay Gerald Anderson

ADVERTISING

<i>Espesyal pa rin sa binata </i><br>Sarah Geronimo, kinikilig pa rin kay Gerald Anderson

<i>Espesyal pa rin sa binata </i><br>Sarah Geronimo, kinikilig pa rin kay Gerald AndersonMARAMI ANG kinilig nang magkasa-mang nagper-form kamakailan sa isang concert event sa Araneta Coliseum sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. This was after they allegedly ended their “special” relationship na ikinagulat, ikinahinayang at ikinalungkot ng kanilang mga fans.

While helping Gerald wear his coat, Sarah jokingly asked, “Sir, single ka pa ba?” pero hindi ito sinagot ni Gerald. Bumati na lang ito sa kanya and proceeded with their song number na magkahawak-kamay. Hindi pinalampas ng mga tao ang pagkakataon at nag-request pa sila ng isang kanta at kiss na pinagbigyan ng dalawa.

Nakapanayam ng The Buzz si Gerald after the performance. He was asked why he did not reply when Sarah asked him if he is still single. Hindi raw niya narinig ang tanong. Ano ba ang isasagot niya? “Siyempre single pa ako. You know in all respect [that] I am single and I am. Hindi rin ako nagmamadali. Siguro in time sa growth ko rin p’wede ako mag-start mag-date to get to know other people pero malayo pa iyon. We’ll just see. Relax lang ako.”

Friends daw sila ni Sarah at nakiusap siyang bigyan ng privacy si Sarah at pamilya nito. “Marami na pong lumabas. Marami na pong narinig. Kung ano po iyong napanood, nabasa o napanood ninyo sa TV, kayo na po ang bahala kung ano ang isipin ninyo. Kung ano iyong totoo o hindi roon. Ang pinag-uusapan natin is something very personal. We have no right to talk about other people. Bigyan na lang ho natin ng respeto, ng privacy, [at] katahimikan iyong pamilya ni Sarah, si Sarah at sa akin din. Like I said, friends kami.” Gerald said Sarah will always be special to him.

ADVERTISING

Sunod namang nakausap ng The Buzz si Sarah. Bakit nga ba niya tinanong kung single pa si Gerald? “Wala lang po,” she replied.

Kung si Gerald inamin na espesyal si Sarah sa kanya, ganoon rin ba ang dalaga sa aktor? “Oo naman. Iyong friendship namin talagang sana mas ma-deepen pa.” At sa tanong kung kinikilig pa rin ba siya hanggang ngayon kapag kasama si Gerald, ang nakakakilig niyang sagot, “Lagi namang kilig.”’

 

<i>Espesyal pa rin sa binata </i><br>Sarah Geronimo, kinikilig pa rin kay Gerald Anderson

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING