Ervic Vijandre at Bb. Pilipinas-Universe Ariella Arida, nagde-date!

ADVERTISING

Ervic Vijandre at Bb. Pilipinas-Universe Ariella Arida, nagde-date!

Ervic Vijandre at Bb. Pilipinas-Universe Ariella Arida, nagde-date!BONGGA PALA itong Ervic Vijandre, ha! Ang gaganda ng mga nali-link sa kanya!

Pagkatapos ng pagka-link niya kay Marian Rivera, nang pumasok siya sa showbiz, ang dami nang na-link sa kanya, pero si Rich Asuncion ang nakarelasyon nito at nagtagal din yata sila.

Nu’ng nagkasama sila sa Aso ni San Roque, sila pa raw nu’n sabi ni Rich. Pero pagkatapos nu’n, nag-break din sila.

Ngayon ang nali-link kay Ervic ay ang Binibining Pilipinas Universe na si Ariella Arida. Ang ganda nu’n, ha! Sila na nga raw ngayon ni Ervic.

ADVERTISING

Nilinaw ni Ervic ang isyung ‘yan sa presscon ng bagong programa nito sa GMA-7 na Binoy Henyo.

Inamin niyang nanliligaw pa lang, pero hindi pa raw sila. Parang mas naka-focus daw ngayon si Ariella sa pagsali niya sa Ms. Universe kaya ayaw naman niyang  abalahin pa. Pero lumalabas daw sila, at sana nga raw sagutin siya ni Ariella.

Kaya lang magkasama na naman sila ngayon ni Rich sa Binoy Henyo at mukhang magka-partner pa sila.

Sabi naman ni Rich, okay naman sila ni Ervic at wala naman daw problema kung magkasama sila. Trabaho lang naman daw ‘yun, pero hindi pa raw niya masasabing friends na sila.

Sa Lunes na pala magsisimula itong Binoy Henyo na papalit sa timeslot ng Home Sweet Home na magtatapos na ngayong linggo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING