Erika Mae Salas, Pauline Cueto, at Rayantha Leigh, malaki ang future bilang singers

ADVERTISING

Erika Mae Salas, Pauline Cueto, at Rayantha Leigh, malaki ang future bilang singers

IBANG klase ang mga bagets na singers na sina Erika Mae Salas, Pauline Cueto at Rayantha Leigh. Nakabibilib sa kantahan at sa biritan ang tatlo. 

Erika Mae Salas, Pauline Cueto, at Rayantha Leigh, malaki ang future bilang singers
Erika Mae Salas
Erika Mae Salas, Pauline Cueto, at Rayantha Leigh, malaki ang future bilang singers
Pauline Cueto
Erika Mae Salas, Pauline Cueto, at Rayantha Leigh, malaki ang future bilang singers
Rayantha Leigh

Si Pauline ay patuloy na gumaganda ang career. Last year ay na-nominate siya sa PMPC Star Awards for Music sa kategoryang Best New Female Recording Artist of the Year para sa self-titled album niya mula MCA Music. 

“Happy po ako na sunud-sunod ang shows ko. Lalo na sa Historia, nag-enjoy po ako nang sobra dahil na rin sa surprise with matching cake pa. Kaya napaiyak po talaga ako,” masayang pakli ni Pauline na last March 26 ay nag-celebrate ng kanyang 17th birthday. 

Sina Erika Mae at Rayantha naman ay tinatapos na ang kanilang respective debut albums. Very soon ay lalabas na rin ang self-titled debut album ng 13-year old na si Rayantha. 

ADVERTISING

Ano ang masasabi niya sa album niyang ito? Sagot ni Rayantha, “Ang album ko po ay mixed genres, may disco, ballad, pop-rock. Pero mas comfortable po ako sa pop-rock.” 

“Bale one song na lang po ang kulang, ‘yun pong ‘Laging Ikaw’ ni Sir Kedy Sanchez at mabubuo na ang album. Actually ang carrier single niya, either ‘yung ‘Tuksuhan’ or ‘Nahuhulog’, we can’t decide pa po. Iyong ‘Tuksuhan’ ay revival po iyon, dating song ito ni Lindsay Custodio. Pero nilagyan ng bagong timpla po ito, hindi na siya disco, bale ginawa na pong pop-rock at makabagong tugtog na pang-teens,” nakangiting esplika pa niya. 

Si Rayantha ay mapanonood sa show sa Robinson’s Antipolo sa May 19 at sa Mangatarem, Pangasinan sa May 27 naman. 

Ano naman kaya ang masasabi ni Erika Mae sa lahat ng mga sumusuporta sa kanyang career? Aniya, “Sa mga sumusuporta po sa career ko at sa mga naniniwala po sa akin, maraming, maraming salamat po. Kayo po ang nasisilbing inspirasyon ko po sa aking pagkanta.” 

Ano wish mo na mangyari pa sa career mo? “Ang wish ko po, sana mas ma-improve ko pa po ang mga talent ko and sana po magkaroon po ako ng big break sa career ko po,” sagot pa ni Erika Mae.

Kapwa Erase Teen ambassadors ang dalawang bagets. Si Rayantha ang The Music Darling at si Erika Mae naman ang binansagang The Teen Pop Doll. 

Mabigyan lang ng magandang break sina Erika Mae, Pauline, at Rayantha ay siguradong aarangkada ang showbiz career ng tatlong talented na young singers na ito.

ADVERTISING