Erik Santos, takot aminin ang tunay na relasyon kay Angeline Quinto

ADVERTISING

Erik Santos, takot aminin ang tunay na relasyon kay Angeline Quinto

Erik-Santos-Angeline-QuintoSA GINANAP na PMPC Star Awards for Music sa Solaire Hotel last Sunday, magkasabay na dumating sina Angeline Quinto at Erik Santos na kapwa tumanggap ng awards.

ADVERTISING

Tinanghal na Female Artist of The Year si Angeline para sa kanyang “Higher Love” album samantalang Best Compilation Album ang nakuha ni Erik para sa kanyang “The Erik Santos Revival Collection”.

Mistulang mag-asawa na nga ang dalawa dahil hindi magkahiwalay kahit saan sila magpunta. Magmula nang mag-present sila ng awards hanggang sa pag-alis ay magkasama pa rin ang dalawa.

Pero kahit halata naman na may pagkakaunawaan na ang dalawa, umiiwas pa rin si Erik na kumpirmahin kung totoo ba dyowa na niya si Angeline.

ADVERTISING

Ang naging katuwiran ni Erik, gusto raw niya sa pagkakataong ito na maging pribado ang kanyang personal life para makaiwas raw sa mga intriga.

Masaya raw sila ni Angeline at nagkakasundo sa lahat ng bagay pati na sa music. At lagi raw silang masaya dahil malakas daw ang sense of humor ni Angeline.

Matagal na raw mula nang may ma-link sa kanya kaya gusto naman daw ni Erik na solohin ang susunod niyang relasyon kung doon nga raw patungo ang kanilang samahan ni Angeline.

Natawa si Angeline nang tuksuhin siya ng ilang press na sobrang higpit ng pagkakakapit niya sa braso ni Erik na parang bang mawawala sa piling niya ito.

Sagot naman kaagad ni Angeline na sobrang haba raw kasi ang gown niya at baka matapilok siya at maging headline pa sa dyaryo ang pagbagsak niya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING