Erik Santos at Angeline Quinto, landian pa more ang drama sa concert

Erik-Santos-Angeline-QuintoWATCHED ERIK Santos and Angeline Quinto’s concert at the Araneta last weekend.

Biritan pa more ang drama ng dalawa, talagang walang ayaw magpaawat, basagan ng ngala-ngala ang kanilang drama.

Si Angeline ang unang isinalang and visibly may nerbyos pa siya. Medyo nanginginig pa ang kanyang paghawak sa mikropono. At parang atat siya sa kanyang mga numbers, parang gusto na kaagad niyang ipakita ang kanyang birit powers. Wala siyang subtlety sa pagkanta, basta hinahataw niya ang kanyang boses.

Si Erik, being a more seasoned performer ay mas relaxed at alam kung kalian bibirit. Ang kanyang Basil Valdez medley ay talaga namang nakakaloka because it was vocally powerful.

Guest sina Regine Velasquez at Martin Nievera at hindi sila nagpatalbog sa dalawa. It helped that they are seasoned performers at talagang hindi sila nagpalamon kina Erik at Angeline.

Vocally, may chemistry sina Eik at Angeline, pero romantically ay waley na waley. Pilita Coralles (pilit na pilit) ang romantic pa more na banter nila, walang ningning ang kanilang mga mata, puro kaeklatan lang.

The concert was clearly birit pa more, landian pa more, patalbugan pa more, bolahan pa more, eklatan pa more!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleMartin Nievera, walang balak magpahinga sa showbiz
Next articleXian Lim, pinaghandaan ang bagong look para sa serye nila ni Kim Chiu

No posts to display