Ericka Villongco, nag-iilusyon kay James Reid?

ADVERTISING

Ericka Villongco, nag-iilusyon kay James Reid?

Ericka-VillongcoDAHIL SA ginawang pagbubulgar ng baguhang si Ericka Villongco na nagkaroon sila ng tatlong taong relasyon ni James Reid, kung anu-ano tuloy ang itinatawag ng mga basher sa singer/actress. Nandoong tinatawag itong ilusyunada sa social media.

Nanindigan naman si Ericka na kahit na anong panlalait ang ginagawa sa kanya, minahal daw niya si James at naniniwala siya na darating ang panahon na sila rin ang magkakatuluyan.

Ayon pa kay Ericka, hangga’t hindi raw sila nagkakausap ni James, wala pa rin daw closure ang lahat sa kanila.

Ang tanong, Paano raw mangyayari ang gusto ni Ericka na magkabalikan sila ni James, eh, iniiwasan na siyang kausapin nito. Ilang beses na raw silang nagkita sa event, hindi siya binabati o pinapansin ni James.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING