Erich Gonzales, usap-usapan ang pagkakatambal kay Mario Maurer!

ADVERTISING

Erich Gonzales, usap-usapan ang pagkakatambal kay Mario Maurer!

Erich Gonzales, usap-usapan ang pagkakatambal kay Mario Maurer!MUKHANG SUNUD-SUNOD ANG swerteng tinatamasa ngayon ng Kapamilya leading lady na si Erich Gonzales, huh? Kasalukuyang namamayagpag sa rating game ang Maria la del Barrio nila ni Enchong Dee at malapit na ring ipalabas ang kanyang horror film kasama si Derek Ramsay na pinamagatang Corazon. Kniumpirma mismo ng Thai superstar na si Mario Maurer na gagawa ito ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema at si Erich nga ang kanyang makakatambal. Naging usap-usapan na rin ito sa Twitter ilang buwan na ang nakararaan at ngayon lang ito nakumpirma. Ang bonggang proyektong ito ay may working title na Suddenly, It’s Magic at early 2012 ang playdate nito. Paniguradong marami na ngayon ang nag-aabang sa pelikulang ito.

 

RHIAN RAMOS, MAGPAPAKA-KONTRABIDA SA BAGONG PELIKULA!

 

ADVERTISING

KUNG SA TV ay muling makakapareha ni Rhian Ramos ang dati niyang ka-loveteam sa Stairway to Heaven na si Dingdong Dantes, nakatakda naman silang ‘magbalikan’ ni Aljur Abrenica sa isang romantic-comedy movie mula sa GMA Films. Tentatively entitled Kontrabida Girl, ito raw diumano ang pambato ng Siyete bilang Valentine movie nila for 2012. Ang direktor ng sikat na gay indie film na Zombadings One: Patayin sa Shokot si Remington na si Jade Lopez ang nakatakdang humawak ng nasabing proyekto sa tulong ng panulat ni Aloy Adlawan. Unang nagsama sina Aljur at Rhian sa fantaseryeng Ilumina. Marami rin ang nagsasabing may chemistry ang dalawa kaya sa big screen naman sila magpapakilig. Kumita naman kaya? We’ll see…

 

JOEM BASCON, AMINADONG NANGHIHINA PAGDATING SA BEBOT!

 

KAPANSIN-PANSING NAG-LIE LOW bigla ang character actor na si Joem Bascon sa kanyang mga movie projects. Kung dati ay halos sunud-sunod ang nilalabasan niyang mainstream and indie films, bigla itong nanlumo. Inamin ng aktor sa presscon ng pelikulang Aswang na napabayaan nito ang kanyang pangangatawan at hindi na niya namalayan na lumobo siya nang todo. Puhunan pa naman niya ang napakakisig niyang katawan. Hindi rin niya ikinaila na malaki ang naging epekto sa kanya ng break-up nila ng ex-girlfriend na si Meryll Soriano, pero ok naman daw sila ngayon. Sa katunayan nga, may non-showbiz girlfriend na ito ngayon! Kontrabida si Joem sa pelikulang Aswang at kasali rin siya sa Cinema One Originals 2011 entry na Ka Oryang, na ipapalabas na sa Nobyembre.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING