Erich Gonzales, ready nang magpakasal sa non-showbiz BF?!

ADVERTISING

Erich Gonzales, ready nang magpakasal sa non-showbiz BF?!

Erich Gonzales, ready nang magpakasal sa non-showbiz BF?!BUONG NINGNING na ipinagmalaki ni Erich Gonzales na engaged na siya sa non-showbiz boyfriend niyang Chinese businessman. Kahit anong okasyon daluhan ng dalaga, palaging suot nito ang diamond engagement ring na bigay ng kanyang dyowa. Two years nang tumakbo ang kanilang relationship at ready na raw ang actress na lumagay sa tahimik.

Ready na raw si Erich i-give-up ang kanyang career kung sakaling handa na siyang magpakasal. May mga bagay pa raw na gustong gawin ang dalaga bago sila humarap sa altar ng kanyang mapapangasawa. Kinakarir daw ni Erich ang pagluluto sa kusina kaya’t champion sa sarap ng lasa ang iba’t ibang putaheng inihahanda nito para sa kanyang future husband, ayon sa malalapit na kaibigan ng actress.

Happy si Erich sa takbo ng kanilang relasyon, walang kontrabida. Ayaw niyang maintriga ang kanilang love relationship kaya as much as possible, ayaw nitong ipakilala sa kapwa niya artista ang kanyang boyfriend. At least, may mystery nga naman kung sino nga ba talaga itong Chinese businessman na handang pakasalan si Erich Gonzales. Let’s wait and see kung kailan.

 

ADVERTISING

Erich Gonzales, ready nang magpakasal sa non-showbiz BF?!PILIT NA pinaghihiwalay ang live-in partners na sina Paulo Avelino at LJ Reyes kahit marami ang nagsasabing, sila pa rin. Hindi raw makatutulong sa career ng actor ang pakikipag-relasyon nito sa dalagang ina. Palibhasa, inuugnay ngayon si Paulo kay Angeline Quinto dahil sa afternoon show nila together with Sam Milby. Minsan lang namin pinanood ang kanilang show, walang dating. Walang charisma si Angeline na kagigiliwan siya ng manonood. Walang chemistry ang tatlong bida, hindi sila swak sa isa’t isa kaya’t hindi nakaaaliw panoorin.

Aminin, hindi pang-artista ang beauty ni Angeline on the big screen maging sa TV. She’s just a singer. Maraming nagsasabing copycat siya ni Regine Velasquez. Iisa lang ang Songbird na puwedeng maging singer/actress. As a performer, wala kabuhay-buhay on stage si Angeline. Kanta lang nang kanta kahit may script na dapat sundan. At kung minsan, wala sa ayos ang pinagsasasabi nito sa audience. Bara-bara lang, hindi nag-iisip.

Infairness to her, kapag kumanta na siya nang live, para kang nakikinig ng CD ni Angeline. Makinig na lang tayo ng CD niya at huwag nang manood ng concert. Ganu’n ?

Now, para nga naman ma-build-up nang husto si Paulo. Pinalalabas ngayon nang kampo ng binata na single pa ito at walang sabit kahit kaninong babae. Pagkakaalam namin, patuloy pa rin ang communication nina Paulo at LJ. Nami-miss din siyempre ng binatang-ama ang kanyang anak.

Ayon sa balita, ride-on na lang si LJ sa gustong mangyari ng kampo ni Paulo na paghiwalayin sila kahit masakit sa kanya ang gagawing pag-amin ng actor na hiwalay na nga sila nang tuluyan. Bago nangyari raw ang hiwalayan kuno, nag-usap naman daw ng seryoso ang dalawa. Focus muna sila sa kani-kanilang career. Si LJ, magbo-bold na sa bago niyang indie film. Para hindi mapag-usapan sina Paulo at LJ, palihim na lang kung magkita at magkausap ang dalawa para iwas-intriga.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING