Erich Gonzales, na-develop kay Daniel Matsunaga

Erich Gonzales, na-develop kay Daniel Matsunaga

Erich-GonzalesLAST WEEK, official na ang kuwentong si Daniel Matsunaga na ang ipinalit ni Erich Gonzales sa kanyang boyfriend na kung ilang taon na rin naman niyang karelasyon. Sa katunayan binigyan pa nga ang dalaga ng diamond ring ng boyfriend na akala nga ng marami, “love made in heaven” ang sa kanila ni Erich na kasal na lang ang kulang para may basbas ang simbahan sa relasyon ng dalawa.

Kaso, kung hindi mo naman palaging nakasasama ang boyfriend mo at ang tulad ni Daniel naman ang siyang pangarap mo at palaging nakasasama (regular ko silang napanonood sa Kris TV) at palaging tinutukso ni Kris Aquino, papaanong hindi ka made-develop gayong guwapo at machong-macho si Daniel?

Walang paglilinaw kung ano ang dahilan ng split-up nina Erich at ng boyfriend niya na ang balita namin ay apo ni Henry Sy ng SM Group of Companies.

‘Di ko alam kung pati ‘yong mamahaling diamond ring na bigay ng binata ay isinoli rin ni Erich nang mag-break sila ng mayamang apo ng isa sa pinakamayang Fil-Chi na negosyante sa Pilipinas.

Reyted K
By RK VillaCorta