Erich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz boyfriend?

TAHIMIK lang ang La Vida Lena star na si Erich Gonzales, pero unti-unti na pa lang pinaplano ang kasal nito na magaganpa sa Marso.

Ito ang balitang kumalat sa internet nang i-post ng isang netizen ang wedding bans o anunsyo sa Simbahang Katoliko sa nalalapit na pagpapakasal nila ng kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo.

Erich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz boyfriend?
Erich Gonzales in Amanpulo Island

Ang mga detalye ay nakapaskil sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City. Sa March 23, 2022 diumano magaganap ang pagiisang-dibdib.

Hindi kay Erich o kay Mateo nanggaling ang balita. Kahit sa mga social media accounts nila ay walang bakas ng pagpaplano ng kasal at nananatiling pribado ang mga detalye hanggang ito’y kumalat dahil na rin sa mga Marites na atat i-post ang magandang kaganapan sa pribadong buhay ni Erich.

Masaya kami para kay Erich Gonzales. Nasaksihan ng madlang pipol ang kanyang humble beginnings bilang isang Davaoena na nakipagsapalaran sa second batch ng Star Circle Quest noong 2005. Sa kanyang pagkapanalo ay unti-unti rin niyang nakamit ang pinapangarap na kasikatan. From supporting roles ay na-elevate ito to lead status via Katorse, kung saan kinagat ang tambalan nila noon ni Enchong Dee.

Nagbida si Erich Gonzales sa ilang teleserye tulad ng Katorse, Maria La Del Barrio, Magkaribal, Be My Lady, The Blood Sisters at ang katatapos lang na La Vida Lena.

Sa big screen naman ay nagbida ito sa mga pelikulang I Do, Corazon: Ang Unang Aswang, We Will Die Tonight, Mariposa, Dinig Sana Kita, at ang romance-comedy na Suddenly, It’s Magic, kung saan nakatambal niya ang Thai superstar na si Mario Maurer.

With all her achievements as an actress, deserve na nitong unahin ang sariling kaligayahan at bumuo ng sariling pamilya.

Congratulations, Erich and Mateo!

Previous articleWilbert Ross bida na sa ‘Boy Bastos’ ng Vivamax
Next articleCryptic posts ni Carla Abellana, pinag-uusapan