Erich Gonzales, ‘di bagay kay Coco Martin!

ADVERTISING

Erich Gonzales, ‘di bagay kay Coco Martin!

Erich Gonzales, ‘di bagay kay Coco Martin!SA DINAMI-RAMI nang magiging leading lady ni Coco Martin sa bago niyang teleserye, bakit nga ba si Erich Gonzales ang napili kahit wala itong dating sa publiko? Wala kaming makitang ‘magic’ for her to be a big star like Kim Chiu. Oo nga’t big winner rin si Erich ng reality show na Star Circle Quest. Ang mapupuri mo lang sa kanya ay magtiyagang naghintay para mabigyan ng break kahit nahirapan si Mr. Johnny Manahan pasikatin ito. Hindi naman nabigo ang discoverer/director, nagkapangalan si Erich at sumikat. Infairness, wala pang artistang hinawakan si Mr.M. na hindi sumikat.

Erich should be thankful to Star Cinema for her solo launching movie Suddenly It’s Magic na hindi naman gaanong tinangkilik ng manonood. Sayang ang new breed of talents, frozen delights sa Star Magic Talent Center na break lang ang kailangan.

Kahit sino namang newcomer na babae ang ipareha kay Coco, tiyak na sisikat at magkakapa-ngalan. Siya ngayon ang hottest actor of today’s generation. From indie gay films to serious actor and primetime prince of Kapamilya Network. Knowing ABS-CBN, ang galing-galing nilang magpasikat ng mga baguhang artistang may hidden talent.

Erich? Open secret ang pagiging maldita nito. May attitude problem at feeling superstar kahit wala pa naman itong napapatunayan.  Ilang beses na nga ba itong inireklamo ng mga make-up artist at stylist ? Hindi na namin mabilang…

ADVERTISING

Sa totoo lang, naiirita kami sa boses ni Erich, lalo na kapag nag-i-English ito, masakit sa tenga, nakakairitang pakinggan, napaka-trying hard.

Kailangan sigurong mag-enrol muna si Erich sa John Roberts Power to improve her voice and diction. Feeling beautiful, hindi naman kagandahan kaya obvious bang makapal mag-make-up. Wala kaming personal na galit kay Erich Gonzales. Ito’y pagpuna lamang, huwag sanang bigyan ng kahulugan. ‘Yun lang.

 

TIGIL-TIGILAN NGA ang pagli-link kina Daniel Matsunaga at Kris Aquino na alam natin hindi puwedeng magkatotoo.  Tapos na ang showing ng pelikulang Sisterakas ni Direk Wenn Deramas. Kumita na ito sa takilya kaya tantanan na ang gimik sa kanilang dalawa. Hindi ang tipo ni Daniel M. ang magugustuhan ng TV host/actress. After her legal separation  with James Yap, mataas na ang standard nito pagda-ting sa pagpili ng lalaking makaka-relasyon niya.

Siyempre, advantage ‘yun para Daniel M., ang maugnay siya kay Kris with free publicities, ganu’n rin kay Kristeta, in vice-versa. May lalaki nga namang very vocal na nagkaka-interes sa kanya. Knowing Kris, gusto nitong palaging pinag-uusapan, hindi nawawala sa limelight, center of attraction, at palaging on the go. Always updated sa mga showbiz happening… she loves it!

Sa mga interview kay Kris, maging sa morning TV show niya, obvious na wiz niya type si Daniel M. Wa-epek rin ang pambubuyo sa kanya ni Vice Ganda na bagay sila ng Japanese model/actor. Sinasabi pa ng singer/comedian na may chemistry sila together. Hindi namin ma-feel na may pagnanasa ang Queen of Horror sa model/actor na ex-boyfriend ni Heart Evangelista. Hindi gugustuhin ni Kristeta na maging ‘segunda mano’ lang ito. At kung sakaling may seryosong lalaking darating sa buhay ng Queen of All Media at papakasalan niya (politician or businessman), definitely, hindi ito taga-showbiz.

AYAW Paawat!

by Eddie Littlefield

ADVERTISING