Erich Gonzales denies romantic involvement with Enrique Gil

ADVERTISING

Erich Gonzales denies romantic involvement with Enrique Gil

Erich Gonzales denies romantic involvement with Enrique Gil

EXCITED NA RAW si Erich Gonzales sa kanyang latest soap sa Kapamilya Network na pagsasamahan nilang muli ng kanyang four-time leadingman na si Enchong Dee, na nakasama niya sa Katorse (2009), at sinundan ng Tanging Yaman (2010) at Magkaribal (2010).

Kung saan sa kanilang ikaapat na pagsasama, ang hit RPN-9 Mexican soap na Maria La Del Barrio ang kanilang proyektong pagsasamahan. Gagampanan ni Erich ang role ni Maria at si Enchong naman si Luis Fernando. Kuwento nga ni Erich, bata pa siya nang mapanood niya ang Tagalized version ng Maria La Del Barrio, kaya medyo pamilyar na siya sa kanyang role na gagampanan.

“Nu’ng bata pa po kami, pinapanood po namin ‘yung original Tagalog version nu’ng Maria la del Barrio, kaya medyo pamilyar na rin po ako sa character ni Maria.

ADVERTISING

“Alam kong sikat na sikat noon si Thalia at ‘yung soap niya, kaya naman medyo may pressure sa part ko. Kasi, alam kong mataas ang magiging expectations ng mga manonood. Pero gagawin ko ang lahat para magampanan ko nang maganda ‘yung role na ibinigay sa akin ng ABS-CBN.”

Mariin din nitong pinabulaanan na may namumuong relasyon sa kanila ng kapwa Star Magic Talent na si Enrique Gil.

“Gusto ko lang linawin, it’s not true po na sinasabing kami. Close lang po kami because of Shout Out! At hindi lang naman po ako sa kanya close. Lahat po sa show naging kaibigan ko na, ‘yong ibang bagets du’n ganyan, and lumalabas po kami ‘pag nagkakayayaan after the show, like kasama ‘yong ibang stylists, ‘yong staff po ng show. So, masaya po kaming nagtatrabaho du’n and may mga na-built pong friendships, — masaya ang buhay!” pagtatapos ni Erich.

 

HINDI MAIWASANG MATAWA ng isa sa pambato ng TV5 kung ganda at galing sa pag-arte ang pag-uusapan na si Meg Imper-ial na regular na napapanood sa Bagets at Hey, It’s Saberdey sa kanyang ka-loveteam na si Aki Torio nang manginig ito nang kunan ang kanilang mild kissing scene.

‘Di raw akalain ni Meg na ‘yun pala ang first kiss ni Aki on and off screen kaya naman daw sobrang kaba raw ang naramdaman nito nang maglapat ang mga labi nila, ayon na rin daw sa kuwento ng binatang aktor sa kanya na namumula habang ikinukuwento ito.

Samantalang hindi na raw bago kay Meg ang magkaroon ng eksenang halikan dahil minsan na rin naman daw siyang nagkaroon sa kanyang mga past shows, pero hanggang mild kissing scene lang ang kanyang kayang gawin. ‘Di pa raw ito ready sa mas daring pang love scene, siguro raw ay may tamang panahon para rito pero sa ngayon daw ay pass muna siya rito.

 

FROM DANCING, PINASOK na rin ng SexBomb member na si Lo-uise Bolton ang pag-arte sa stage play, at ang latest nga nito ay ang Romeo and Juliet: A Love Story, kung saan makakasama nito si Geoff Taylor.

Magsisimulang mapanood ang play nina Louise at Geoff sa August 6 and 27, 9 AM and 2 PM sa Aliw Cinema Theater; Meycauayan City; August 12 (6 PM), August 13 (9 AM, 2 PM, 6 PM), August 19 (6 PM), August 20 (9 AM, 2 PM, 6 PM) sa New Capitol Gym, Malolos City. For inquiries, puwedeng i-text o tawagan ang mga numerong 09068336225/ 09153035356.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING