Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, buking na, todo-deny pa rin

Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, buking na, todo-deny pa rin

Erich-Gonzales-Daniel-MatsunagaIN DENIAL pa rin sina Daniel Matsunaga and Erich Gonzales sa kanilang relasyon. No one has come out to admit they are now a couple.

“Dahil sa iyo, mas nagkaroon ng saysay / kahulugan ang buhay ko. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigay ka niya sa akin. Isa kang biyaya / blessing na dumating. Nami-miss na kita sobra. Mahal kita.”

That was the Tagalog translation sa Visaya message na ipinost ni Daniel sa kanyang Twitter account recently.

Hindi pa ba obvious na magdyowa na sila? Panay ang post nila ng sweet moment photos nila tapos wala lang? Ano ‘yon, lokohan?

Daniel’s had these captions, “Miss u na litle girl :** #spartanbaby #happy #blessed. See u when i get back ” and “I was dreaming of her while she was making bully to me. #spartanbaby #happiestspartan #bthy #saynotobullying #blessed” on the photos that he posted on his Instagram account.

Daniel, people are not gullible. Hindi sila tanga para maniwala sa mga aria mong hindi kayo magdyowa.

Tell it to the marines. Malay mo, maniwala ang mga marino sa mga kasinungalingan n’yo!!!

 

GMA PR head Angel Javier is reportedly under investigation. This came about dahil merong isang nagreklamo kay Joey Abacan na si Angel daw ay may favoritism.

Meron daw kinikilingan ang PR head ng GMA-7 when it comes to inviting media people. Only her la favorita reporters are said to be invited in GMA media huddles. True ba ito, Angel?

Anyway, Angel isn’t the only one who does this daw. Kane Choa, head PR of ABS-CBN and Peachy Guiogio of TV5 also play favorites daw. If you’re close to them kesehodang one publication writer ka lang ay sure na sure kang mai-invite ka nila.

Naku, alam kaya ito nina Charo Santos-Concio, Felipe Gozon, and Manny Pangilinan?

We’re not writing this just because we don’t get invites from them. We’re writing this because it is the collective sentiment of our colleagues, hindi lang nila maisulat dahil wala silang balls. Kami lang ang meron no‘n, ‘no!!!

Excuse me, ‘no, we’re still living kahit wala sila, mamamatay ba kami kung hindi nila kami mai-invite?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas