Erich Gonzales, binawi ang sagot na “dakilang” mangingibig si Daniel Matsunaga

ADVERTISING

Erich Gonzales, binawi ang sagot na “dakilang” mangingibig si Daniel Matsunaga

1 Daniel-Matsunaga-Erich-GonzalesHayag naman ang pagiging magkarelasyon na nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, kaya naman para sa pampakilig na teleseryeng “Be My Lady” ng ABS-CBN, ay si Ma’am Charo Santos-Concio daw ang nakaisip na bakit hindi pa silang dalawa ang pagtambalin sa nasabing project, total nga raw ay magkarelasyon na silang dalawa, kaya mas lalong okey silang panoorin. Sa personal naman kasi ay nakaaaliw makita ang sweetness nina Erich at Daniel.

ADVERTISING

Parehong malambing sina Erich Gonzales at Daniel sa isa’t isa, dahil wala nga silang itinatago. Mukhang sobrang in love nga sila, dahil wika ng magandang young actress ay napakasarap magtrabaho na alam mong pagharap mo sa kamera ay naroon at kasama mo sa trabaho ang taong mahal mo. Sa kanyang mga pagsasalita ay buo naman lagi ang loob ni Daniel na ipagmalaki sa maraming tao ang pagmamahal niya kay Erich.

Habang umaapaw ang sweetness nina Erich at Daniel Matsunaga, kuwelang tinanong ang young actress kung si Daniel ba ay “dakilang” mangingibig? Buong pagmamalaking sinagot ni Erich na “oo” raw dahil hindi niya nakuha ang kahulugan ng pambaklang salitang okey ang sukat ng pagkalalaki ng kanyang boyfriend.  Binulungan si Erich ni Janice de Belen, kaya nabuking na naipaliwanag ni Janice ang daloy ng biruan, kaya biglang nagsalita si Erich ng “Binabawi ko na ang sagot ko!” Kaya natawa na lang din si Daniel na may iba na palang kahulugan ang “kadakilaan” ng pagmamahal niya sa dalaga.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING