Erich Gonzales, alagang-alaga ng Dos!

Si Erich Gonzales na siguro ang isa sa mga artista ng Kapamilya network na unti-unting pinapabongga ang showbiz career. Dati kasi, laging pa-support-support lang ang ibinibigay na roles sa kanya kahit pa siya ang SCQ Season 2 Grand Winner. Nabigyan ng malaking break si Erich nang gampanan ang papel na Nene sa Katorse at Fina sa Tanging Yaman.

Ngayon, kasabay nitong rumarampa sina Bea Alonzo, Gretchen Barretto at Angel Aquino sa Magkaribal. Ginagampanan niya ngayon ang papel na Chloe at talaga namang binibihisan nang husto ang Davaoeña star na ito.

Hindi rin patatalo ang bagets kung pelikula rin lang ang pag-uusapan. Tinangkilik sa Cinema One Originals last year ang launching movie nila ni Enchong Dee na Paano Ko Sasabihin? at siya rin ang leading lady ni Coco Martin sa Noy. Nakatakda rin siyang gumawa ng dalawang pelikula sa Star Cinema kaya talaga namang blessed itong dalaga natin.

Parami na rin nang parami ang mga product endorsements niya. Ngayon nga ay image model na rin siya ng isang produktong pampaputi. Mukhang alagang-alaga talaga ng Kapamilya network si Erich, huh!

By Mica Rodriguez

Photos By Fernan Sucalit

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleOh Boy! (Boy Abunda)
Next articleWowowee! Huli! (Pokwang-Zanjoe Marudo)

No posts to display