Eric Quizon, ‘di raw inakalang mauuwi sa hiwalayan ang relasyon nina Zsa Zsa Padilla at Richard Onglao

ADVERTISING

Eric Quizon, 'di raw inakalang mauuwi sa hiwalayan ang relasyon nina Zsa Zsa Padilla at Richard Onglao

Eric Quizon
Eric Quizon

Si Eric Quizon ay isa sa mga bida sa pelikula ng Regal Films na “That Thing Called Tanga Na” na idinirek ni Joel Lamangan. Ginagampanan ni Eric Quizon ang role ni Papa Ronnie Chui na isang rich gay lawyer and a movie fan.

Sa interbyu namin sa kanya sa presscon ng “That Thing Called Tanga Na”, hiningi namin agad ang kanyang reaksyon sa breakup nina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao.

“I got shocked the first time I found out kasi alam ko ikakasal na sila, eh. Iniimbita na nga niya ako, eh, ‘Oh, you’re going to my wedding.’ Sabi ko, of course count me in, sabi ko sa kanya,” sabi ng aktor.

Wala rin daw siyang nakikitang problema noon ni Zsa Zsa Padilla kaya feeling niya ay okey naman ang lahat.

ADVERTISING

“I never suspected anything. She seemed very happy and ‘pag nagkikita ko naman sila parang masaya naman ‘yung relationship nila. So, I never thought that something like this will happen.”

Ayon pa sa aktor, hindi na niya tinanong si Zsa Zsa nu’ng nagkausap sila kung ano ang dahilan ng hiwalayan.

“Parang nakikitsismis ka lang ‘di ba sa nangyari sa buhay niya, ‘di ba? But I texted her and I said, we’re just here for you,” sey pa ni Eric.

Palabas na ang “That Thing Called Tanga Na” sa August 10. Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING