‘Erection’ ni Daniel Padilla, patunay lang na ‘di siya ‘BB’

ADVERTISING

‘Erection’ ni Daniel Padilla, patunay lang na ‘di siya ‘BB’

Daniel-PadillaDaniel-PadillaSA TOTOO lang, nakakapagod ang ginagawa ni Daniel Padilla. Physically, para siyang bola na dini-dribble na laspag ang pangangatawan sa kaliwa’t kanan niyang activities at commitments.

ADVERTISING

Last weekend, during the Sinulog Festival sa Cebu City, Thursday pa lang ng umaga lumipad na siya for the Queen City of the South for his concert at the Waterfront Hotel that evening kung saan special guest niya si Kathryn Bernardo.

Kinabukasan, lipad pabalik si DJ ng Manila para sa biglaang taping ng Got to Believe (kulang pa siya sa tulog, huh!)

After taping, habang hindi pa nakapagpapahinga, fly agad si DJ pabalik ng Cebu para sa basketball game nila ng mga kapwa artista last Saturday.

ADVERTISING

Kahapon, Sunday ng umaga first trip pabalik ng Manila, fly again ang binata para mag-connect ng kanyang flight papunta ng Ozamis City, kung saan may promo siya for the Padilla Clan movie na Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak kung saan makikita mo si Daniel as an action star.

Sa katunayan, noong nanood kami ng Bride For Rent last Thursday evening, napanood namin ang trailer ng action movie ni Daniel with his uncle Robin at patunay lang kung gaano siya kaguwapo kung sakaling maging next action hero siya ‘pag nabigyan ng pagkakataon na umarte sa isang pelikulang out of the box, kung saan kilala natin na ang peg ng binata ay tipong pang-boy next door at pa rom-com teleserye.

“Masipag si DJ, wala siya reklamo sa projects na ibinibigay sa kanya. Alam niyang pahalagahan,” kuwento sa amin ng publicist niya na si Dominic Rea nang makasama namin sa Bacolod City for the wake and burial of good friend Jobert Sucaldito’s brother.

Sa estado ng binata, during work, ‘pag may pagkakataon ay natutulog na lang ito sa kanyang bagong black GMC Savannah van na in-import pa niya from the US para magamit niya para pahingahan during shootings or tapings.

Kung walang trabaho or commitment, binabawi ni DJ ang kakulangan ng tulog para well rested siya dahil expected na after a short break, ratsada na naman ang  binata sa trabaho.

Mabuti nga daw at hindi nagkakasakit si DJ. Sa klase ng schedules niya na kaliwa’t kanan at kulang sa tulog, kahit sino, malalaspag at suwerte na lang at hindi bumabaksak ang resistensya.

Nang tanungin namin si Dom (Dominic Rea) kung sa sobrang hectic schedule ng “anak-anakan” niya may time pa kaya si DJ sa sex?

Nagtaas-kilay lang si Dominic at nagreact lang ng, “Huh!” ‘Yun na!

 

SA PAYAT ni Daniel Padilla at manipis ang short na suot-suot, hindi maiiwasan na mapapansin ang sinasabing “erection” ng kanyang alaga sa isang eksena sa teleseryeng Got To Believe, kung saan buhat-buhat niya si Kathryn Bernardo.

Kung namali lang ng angulo ng pagkakuha ng eksena na iisipin mo na may konting lukot sa shorts na suot ni DJ para magmukhang patulis na silhouette na tipong erected penis, keber; tutal lalaki naman siya. Kung sakaling totoong may erection na naganap nang buhat-buhat niya si Kathryn, another kebs pa rin dahil sa edad ng binata, it’s just normal. Nothing wrong na patunay lang na lalaki ang anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla.

Isang malaking isyu kung sakaling sa isang eksena ni Daniel sa isang kapwa lalaking artista ay doon siya nagkaroon ng erection, aba, ibang usapan na ‘yan, ‘di ba Dominic Rea?

 

ANO BA, wala na bang maisip ang istasyon ni MVP na isang bagong show na alam mong magtatagal sa ere?

While surfing the programs on television last Saturday night (early kami nag-retire nina kaibigang Jobert at Dominic from the Art District ng Bacolod) napanood namin ang show hosted by Jasmine Curtis-Smith sa Singko.

Kaloka, parang dating “Uplate” show ng Kapamilya Network na hindi rin nagtagal sa ere showing music videos (local and international artist) na may mga wannabes at trying to be stars na guests si Jasmine.

Sa totoo lang, nakaligtaan namin ang titulo ng programa na while wathing the program, hindi ko man lang narinig si Jasmine mentioning her new TV show.

Akala namin, much better ang “ewan” na show ni Jasmine compare sa Walang Tulugan with Master Showman ni German Moreno. ‘Yun pala wala naman.

Suggestion kay Jasmine at kung sino mang manager niya, stick sa peg na aktres, ‘yun lang! Walang duplication sa ginagawa ng kapatid niyang si Anne Curtis.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING