Epi Quizon, natatakot na magalit sa kanya ang Pamilya Eigenmann

ADVERTISING

Epi Quizon, natatakot na magalit sa kanya ang Pamilya Eigenmann

Epi-QuizonSOBRANG BRUTAL ang ginawang pangre-rape ni Epi Quizon kay Andi Eigenmann sa pelikulang “Angela Markado” ni Direk Carlo J. Caparas. Nagwo-worry ngayon ang actor na baka magalit sa kanya ang Pamilya Eigenmann sa ginawa niyang pagpapahirap sa dalaga bago niya ito ni-rape. “Baka magalit sa akin ang mga fans ni Andi sa ginawa ko sa kanya,” tsika ni Epi.

Sa dami ng ginawa kong kontrabida roles, bida roles, bakla, tomboy, maton… siguro matatanggap nila na hindi naman ako ‘yung napanonood nila kung hindi ‘yung character na pino-portray ko. Every project is a challenge, kapag umarte kami, ibang flavor na naman ‘yun. Ibang flavor na mga artista ang katapat ko ngayon. Nakape-pressure ‘yung rape scene namin ni Andi, ‘yung tuhod ko namanhid, masakit dahil nakaluhod ka.”

Malaki ang respeto ni Epi kay Rez Cortez na rapist ni Hilda Koronel sa version ni Lino Brocka. “Hinahangaan ko siya bilang actor, naging treacher ko rin siya, pero hindi siya ang peg ko. Siya yata ang actor na may pinakamaraming ni-rape sa pelikula. May mga six hundred films yata ang nagawa niya.”

As an actor, may sariling style si Epi sa pag-arte, wala siyang ginagaya. “Ang sarili ko ang peg ko, kasi tinanong ko ang sarili ko. May nabasa akong ni-rape ‘yung anak, 9 years old na bata. Mayroon ba talagang taong kayang gawin ‘yun? ‘Yun ang peg ko, ‘yung mga taong kayang gawin ‘yun,” paliwanag ng versatile actor na si Epi Quizon.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING