Epi Quizon at mga kapatid ipinatigil ang auction ng ari-arian ni Dolphy

ADVERTISING

Epi Quizon at mga kapatid ipinatigil ang auction ng ari-arian ni Dolphy

Epi-QuizonKINUKUWESTIYON NG ilang mga kaanak ni Epi Quizon ang tungkol sa nangyaring bentahan ng mga properties na naiwan ng yumaong Comedy King na si Dolphy. May mga kadugo raw si Epi na naiinip na sa pagbebenta ng ibang real estate properties ng kanilang daddy.

Ayon daw sa ilang inip na inip nang makuha ang kanilang share mula sa pamana ng Comedy King, gusto na raw nilang makuha ang parte ng namana para magamit daw sa paghahanda ng kanilang kinabukasan.

Hindi naman ikinaila ni Epi na may ganoong isyu nga raw umiikot sa kanilang pamilya, pero paliwanag niya na hindi naging successful ang dapat sana ay auction na plinano nilang magkakapatid.

Ang nangyari ay nagkaroon na lang daw ng silent auction o bidding sa mga kayamanan ng Comedy King.

ADVERTISING

Sabi pa ni Epi sa mga naiinip na kadugo na sana raw ay tulungan na lang sila magbenta ng mga ari-arian o kaya raw ay bilhin na lang ng mga ito ang mga inaasam nilang ari-arian ng ama.

Nagdesisyon daw silang magkakapatid na ipagpaliban muna ang bentahan hanggang sa makahanap sila ng magandang pagkakataon para rito.

At hindi rin ikinaila ni Epi na sa ngayon ay super busy silang magkakapatid kaya hindi nila maasikaso ang auction.

Si Epi naman ay busy rin ngayon sa kanyang career, tulad ngayong kasama siya sa pelikulang Angela Markado sa role na isa sa limang rapist ni Andi Eigenmann na idinirek ni Carlo J. Caparas.

Samantalang sinabi rin ni Epi na ‘yung naibigay na sa kanyang property ay hindi raw niya ibebenta.

Itinanggi naman niya na pati ang naiwan ni Dolphy para kay Zsa Zsa Padilla ay hinahabol nilang magkakapatid. Wala raw ganoong sitwasyon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING