Enzo Pineda, siguradong may third party sa break-up nila ni Louise delos Reyes

ADVERTISING

Enzo Pineda, siguradong may third party sa break-up nila ni Louise delos Reyes

Enzo-PinedaMOVING ON. Ganito kung ilarawan ni Enzo Pineda ang kundisyon niya sa ngayon matapos silang mag-break ni Louise delos Reyes. Nananatiling sentro pa rin sila ng intriga.

ADVERTISING

Lalo at napabalita pa recently na buntis diumano si Louise at ang ama raw ay ang nali-link sa aktres sa ngayon na Aljur Abrenica na nakapareha nito sa Kambal Sirena.

“Honestly, hindi po kami nagkakausap sa ngayon,” ani Enzo nang makausap namin sa Sunday All Stars nitong Linggo.

“I think siguro in time we’re gonna patch things up. Magkakaayos din. And,  siguro ngayon it’s better off na ganito. Na iba ‘yong paths namin. Para at least mag-focus kami sa mga importanteng bagay.”

ADVERTISING

If ever na magkaroon sila ni Louise ng chance to talk, gugustuhin ba niyang himayin ang mga bagay na kailangang malinawan at maintindihan nila pareho?

“Actually para sa akin, hindi na. Kasi nakapag-move on na ako, e. So, for me, I’m focusing more on other things na importante sa akin. Kung ano ‘yong mg gusto kong gawin ngayon.

“For me, past is past. And wala na akong magagawa about it but only to move on. And siguro ang masasabi ko lang… wala akong regrets sa naging relationship namin ni Louise. Maraming happy memories. And marami rin akong natutunan na mga lessons.

“So para sa akin, it’s just another phase in my life. And now nasa bagong phse na ako sa buhay ko. And… I’m looking forward to it.”

Sa isang panayam kamakailan ay mariing sinabi ni Louise na walang third party sa break-up nila ni Enzo.

“Siguro, tanungin n’yo na lang po siya about it pa. Para sa akin, alam ko naman ‘yong totoo, e. Pero siguro kung iyon ang sinabi niya… hanggang do’n na lang talaga.

And for me, I just want to keep quiet about it. I don’t wanna talk about it anymore kasi parang… past is past na ‘yan, e. Nakapag-move on na ako. And mas mabuti kung sila na lang po ang natungin n’yo about it,” pagtukoy niya kay Louise at sa nali-link sa aktres ngayon na si Aljur.

Si Rocco Nacino, kaibigan nilang pareho nji Aljur. At kamakailan ay may nasabi ang aktor na naiipit daw ito sa pagitan nila.

“Actually para sa akin, I don’t think… wala naman silang issue about it. I mean… between Aljur, Rocco, and me. And para sa akin, hindi naman kasama si Rocco dito. Hindi naman siya nakikisama. And, a… siguro it’s between me and Aljur. So, wala si Rocco dito sa issue na ‘to.”

Hindi pa rin sila nagkakausap ni Aljur until now?

“No. Hindi kami nag-uusap. And para sa akin siguro, hanggang do’n muna talaga. Yes. And I think siguro time is the best way to heal. And para sa akin, ang dapat ko na lang isipin at bigyan ng pansin ay ang trabaho. At ‘yong mga bagay na personal, siguro sa ibang araw na lang po ‘yon,” nangiting sabi pa ni Enzo.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING