Enzo Pineda, pinatunayang may attitude si Aljur Abrenica kaya nawalan ng endorser?

ADVERTISING

Enzo Pineda, pinatunayang may attitude si Aljur Abrenica kaya nawalan ng endorser?

Enzo-PinedaNO COMMENT na lang nasabi ni Enzo Pineda sa ginawang hakbang ni Aljur na mapawalang-bisa ang kontrata nito sa GMA 7 dahil mis-managed daw ng network si Aljur Abrenica.

Bilang endorser din ng Bench, pinagdiinan ni Enzo na wala naman daw siyang naging problema sa mga tao rito. Isa kasi sa inerereklamo ni Aljur ang pagkakatanggal niya sa Bench bilang endorser nito.

“Wala po akong naging problema with Bench. Naging mabait sila at malaking tulong sila sa akin. Hindi ko naman kailangan humingi ng kung anu-ano dahil endorser lang nila ako. They can drop me anytime kung gugustuhin nila.

“Kaya I make sure na maganda ang relationship ko with them. Kung ano ang gusto nila, gawin natin para walang problema, ‘di ba?” say ni Enzo.

ADVERTISING

Sa naging pahayag ni Enzo, para na rin niyang sinabi na totoo nga ang lumabas na tinanggihan ni Aljur ang underwear pictorial nito sa Bench. At dahil nga raw sa hindi pagpayag ng actor sa underwear pictorial, kinansela ng Bench ang project at pati ang kontrata nito sa nasabing company.

Pero how true na bago raw muna gawin ni Aljur ang underwear pictorial, hinihingi nito na ipinakita raw muna sa kanya ang mga underwear na isusuot bago gawin ang pictorial? Na hindi raw diumano ginawa ng kung sinuman ang kasama ng actor sa gagawing pictorial. Ang siste raw, pinalabas na may attitude diumano ang actor at ayaw gawin ang nasabing underwear pictorial.

Dahil sa nangyari, plano raw ni Aljur na humingi ng meeting kay Mr. Ben Chan para maiparating ang kanyang side kaya ‘di ginawa ang underwear pictorial at tuloy malaman kung ano raw ang ginawa ng nagma-manage ng kanyang showbiz career sa kompanya ni Mr. Chan.

Anyway, bukas po pahina namin sa dalawang panig para ibigay ang kanilang side sa nangyaring pagba-back out ng actor sa underwear pictorial.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING