Enzo Pineda, non-showbiz girl ang bagong inspirasyon

ADVERTISING

Enzo Pineda, non-showbiz girl ang bagong inspirasyon

Enzo-PinedaISANG NON-SHOWBIZ girl ng bagong inspirasyon ngayon ni Enzo Pineda. Pero hindi pa raw sila officially on.

“A… siguro let’s just say I’ve been dating,” aniya nang makausap namin sa post birthday celebration niya kasama ang mga batang may Cancer sa Child niyong August 17. “Pero hindi po exclusively dating. Pero definitely masarap sa pakiramdam ang may inspirasyon.”

Mas gusto nga niyang non-showbiz naman ang kanyang karelasyon?

“Depende, e. Pero mas tahimik ang buhay mo kapag non-showbiz. Kasi nakakapag-focus ang tao sa kung sino ka talaga. Sa career mo. Hindi ‘yong sa relationship.”

ADVERTISING

Saan at paano sila nagkakilala ng bagong inspirasyon niya?

“Ano lang… we have a common friend. Pero siguro hanggang do’n muna. I wanna take things slow. Pero… oo naman. Definitely nakapag-move on na ako. Matagal na. Ngayon, I’m just really happy about everything and what’s happening in my life  right now. And I’m just waiting for the right opportunities pa lalo na sa career ko. And I’m just really focused sa mga bagay na gusto ko talagang gawin. At siguro iyon ang importante.”

Nagkakausap na ba sila ni Louise delos Reyes? Binati ba siya nito nong birthday niya?

“A… siguro, kasi… hindi ko siya nakikita sa Sunday All Stars ngayon. So… hindi pa. Pero definitely kung may mga gano’n na instances, I would also say thank you sa kanya.”

Pagkatapos ng break-up nila ni Louise, naging close sila ni Kylie Padilla. May mga nang-iintriga nga dahil si Kylie ay ex-girlfriend ni Aljur Abrenica na na-link naman kay Lousie nang mga-break ito at si Enzo.

“Siguro sa nangyari, nagkaroon ako ng bagong kaibigan. And si Kylie ‘yon. And I’m just really happy sa friendship namin ngayon.  And I just wish her all the best. And kapag nakikita ko nga siya sa Sunday All Stars, natutuwa ako. Kasi isa siyang totoong tao. And I’m just really happy na kaibigan ko siya at nakilala ko pa siya nang mabuti dahil sa mga nangyari.”

Ngayong inamin niyang may non-showbiz siyang inspirasyon, tuluyan na sigurong matutuldukan ang pagdududa sa closeness nila ni Kylie. Matitigil na ang pagli-link sa kanilang dalawa.

“Me and Kylie are just friends. And kung may naririnig man kayo na may inspirasyon ako ngayon, sana huwag ninyo ring isipin na… parang ipinapasok ko kaagad ‘yong sarili ko sa isang relationship.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING