Enzo Pineda, naka-recover na sa break-up nila ni Louise delos Reyes

ADVERTISING

Enzo Pineda, naka-recover na sa break-up nila ni Louise delos Reyes

Enzo-PinedaKUMPARA NOONG kabi-break lang nila ni Louise delos Reyes na mukhang depressed si Enzo Pineda, ngayon ay maaliwalas na ang aura niya. Parang naka-recover na siya at nagmu-move on na nga.

“Kasi I get to focus on the things that makes me happy talaga,” aniya. “So, ‘yong mga pamilya at mga kaibigan ko, especially with work. I get to focus on things that I really wanna do right now. So, masaya.”

Ready na ba siyang magmahal ulit at pumasok sa isang panibagong relationship?

“Uhm… siguro kasi, ayokong pilitin ‘yong mga bagay-bagay. Pero if it happens, it will. At saka malalaman ko rin naman sa sarili ko kung ready ako or kung siya talaga ‘yong babaeng gusto kong makasama.”

ADVERTISING

Sa ngayon ba, meron siyang idini-date?

“Well siguro ganito na lang… I’ve been hanging out with friends and meeting new people. Pero hanggang do’n lang muna. And I want to take things slow. And I want to focus on other things also. ‘Yong mga mas importanteng bagay. Lalo na ‘yong trabaho ko. ‘Yong career ko. Especially my studies. So, well kung ma-develop e, ‘di okey. Kung hindi, okey lang naman. I’m taking my time.”

Sa tono ng kanyang pananalita, parang may nililigawan nga siya ngayon.

“Hindi naman,” nangiting reaksiyon ni Enzo. “Pero marami akong mga taong naa-appreciate. Not just for their beauty but also for their personality. At ‘yong mga talents nila. And ‘yong intelligence nila.”

Si Kylie Padilla ba ang tinutukoy niya? Lately kasi, marami ang naiintriga sa mga nakapu-post na photos nila together sa Instagram.

“Siguro kung anuman ‘yong nakikita n’yo, ano… we’re just friends. And kung sinuman ‘yong kasama ko, hanggang do’n muna. Uhm… siguro I think masyadong mabilis, e. Para magkaroon ako ng special someone ulit.

“Pero kung mangyayari man, siyempre mas gusto ko ‘yong manliligaw ako. And I’m gonna take things slow. And kilalanin ko talaga ‘yong tao. At saka gusto ko, ready ang puso ko. Ready akong mag-commit sa relationship.

“Ayoko no’ng half-baked ako na porke’t may nangyari na hindi ko gusto, maghahanap ako ng iba para matakpan ‘yon. Hindi naman. Mali naman ‘yon. Kasi masasaktan ko rin ‘yong babae.”

Magkaibigan sila at madalas na nagkakasama ni Kylie, open siya sa posibilidad na ma-develop nga sila sa isa’t isa?

“Siguro ano… kung anuman ang meron kami ngayon, happy ako. At siguro dahil sa mga nangyari, mas naging close kami. And I appreciate our friendship. ‘Yon! Basta ang importante, happy ako. Happy siya. At kung may kailangan siya, nandito lang ako as a friend.”

Alam ba ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ‘yong closeness nila ngayon? Nagpaalam ba siya sa action star?

“Naku… wala!” sabay ngiti ulit ni Enzo. “Wala pong gano’n. Hanggang friends lang. And… hanggang do’n lang po.”

Puwede rin ba siyang maging friends ng kanyang ex-girlfriend na si Louise?

“A… hindi ko pa kasi na-experience ‘yiong mga ganitong klase ng situations, e. Pero siguro as of now, I just have to be professional about it. And para sa akin naman… the past is past. Kung anuman ang nangyari before. And ‘yong good memories, tini-treasure ko. Pero tao lang naman tayo. Nagmamahal tayo. So, kung anuman ‘yong mga beautiful na nangyari before, iyon ang mga tini-treasure ko. And kung anuman ‘yong mga hindi magandang nangyari, kalimutan na lang ‘yon. And, a… focus on different things.”

Pareho silang artista ni Louise. May possibility na magsama rin sila sa trabaho o sa isang project.

“Kung mangyayari ‘yon, open ako. Siguro game ako for the challenge,” sabi pa ni Enzo.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING