Enzo Pineda, nagselebreyt ng karaawan sa Childhaus

ADVERTISING

1 Enzo-Pineda Enzo-PinedaISANG SIMPLENG salu-salo ng kanilang pamilya ang isinagawang pagdiriwang ni Kapuso star Enzo Pineda noon mismong araw ng birthday niya, August 12.

Noon namang araw ng Linggo ay espesyal na selebrasyon ang ibinigay sa kanya ng Sunday All Stars. Isang dance number ang ginawa ni Enzo na tinilian ng mga manonood dahil sa kanyang husay sa pagsasayaw.

Sinuportahan din siya ng kanyang mga sponsor tulad ng Bench, UniSilver, Flawless at hindi pahuhuli ang patuloy na pagsuporta sa kanya ng GMA Artist Center.

Pagkatapos ng show at tumuloy naman siya sa Child Haus sa Mapang-akit Street, Diliman, Quezon City upang doon niya ituloy ang pagdiriwang sa piling ng mga batang cancer patient. Hindi niya isinasa-isang tabi ang ganitong activity tuwing birthday niya, ang makagbigay saya sa mga tulad nito.

Tuwang-tuwa naman ang mga bata at higit ang pamunuan ng institution dahil nabigyan sila ng binata ng ganitong pagkakataon.

ADVERTISING

Higit din ang kasiyahang nabakas kay Enzo. “Napakasaya ko lalo na’t nakikita ko ang kasiyahan sa mga bata. Dahil dito ay nawawala ang mga alalahanin at mga sama ng loob.”

Tuluyan na ngang naka-move on si Enzo matapos ang mga masasamang isyung pinagdaanan tungkol sa kanila ng kanyang ex-girlfriend. Tila maningning na muli ang kanyang mga mata dahil nakatagpo na ulit siya ng bagong mamahalin. Bago pa lamang ang kanilang relasyon kung kaya’t wala pa siyang puwedeng i-comment tungkol dito, kundi isa siyang mapagmahal, maalalahanin, maganda at napakabait umano.

Nakita ko na rin ang girl, maganda talaga siya at bagay na bagay sila.

Ni Luz Candaba

ADVERTISING