Enzo Pineda, ipinagtanggol sina Rocco Nacino at Alden Richards

ADVERTISING

Enzo Pineda, ipinagtanggol sina Rocco Nacino at Alden Richards

Enzo-PinedaSA PRESSCON ng Because of You, nakausap namin si Enzo Pineda na kaibigan ni Rocco Nacino. Ipinagtanggol ni Enzo ang kaibigan sa tsismis na hiwalay na ito kay Lovi Poe at pinagdiinan na hindi raw totoo ang mga nangyayari sa dalawa.

Kasabay ni Enzo si Rocco sa Starstruck kaya kilalang-kilala na niya ang huli.

“Alam ko kung gaano kamahal ni Rocco si Lovi at hindi niya gagawin. Walang gagawing hindi maganda si Rocco para lang masira ang relationship nila,” say ni Enzo.

May pera raw si Roco kaya hindi siya naniniwala na nilustay nito ang diumano’y pera nila ng girlfriend.

ADVERTISING

“May pera naman si Roco and he and Lovi are doing well sa kanilang showbiz career at negosyo nila,” say ni Enzo.

“I know they can handle ‘yung mga issues na ibinabato sa kanila,” pagdidiin pa ni Enzo.

Samantala, hindi rin daw totoo na apektado silang mga Kapuso stars sa biglang pagsikat ni Alden Richards.

Lahat naman daw ng bagay ay may panahon. Panahon daw ngayon ni Alden at naniniwala si Enzo na darating ang panahon ng ibang Kapuso stars.

“Sabi nga nila, sa tamang panahon. Dapat tayong matuwa sa kasikatan tinatamasa ni Alden. Grabe ang hirap niya noon. Mula sa kanilang tirahan ay luluwas ‘yan para mag-report sa show. Araw-araw ‘yun na ginagawa niya. Kaya naman nakatutuwa na nagbunga ang kasipagan niya,” pagtatanggol rin ni Enzo kay Alden.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING