Enzo Pineda, ayaw nang kausapin at pag-usapan pa si Louise delos Reyes

ADVERTISING

Enzo Pineda, ayaw nang kausapin at pag-usapan pa si Louise delos Reyes

Enzo-Pineda-Louise-delos-ReyesKUNG SI Louise delos Reyes ay nagtatangkang makausap pa sina Enzo Pineda at maging si Kylie Padilla para ayusin ang mga bagay na nangyari sa kanila, dedma at ayaw nang pag-usapan pa ni Enzo ang ex-girlfriend.

Tila nasaktan nang todo-todo si Enzo sa nangyaring breakp-up nila ni Louise. At ang masakit, tila ang girl daw yata ang may kasalanan kaya nakipaghiwalay siya.

Sa isyu naman na itinatanggi ni Louise na may third party involved kaya nakipagkalas si Enzo, ito ang naging pahayag niya: “Alam niya (Louise) ang totoo. Kung itinatanggi pa rin niya, bahala na siya.”

Wala na raw plano pa si Enzo na makipag-usap kay Louise at maging kay Aljur Abrenica na siyang sinasabing third party sa break-up.

ADVERTISING

Ayon pa kay Enzo, tapos na ang isyu at nakapagsalita na siya tungkol dito. May nagsasabi na ginagamit daw diumano ni Louise ang pade-deny sa promo ng indie film nito.

Quiet na lang daw ngayon si Enzo sa kilos na ito ni Louise dahil naka-move on na raw siya sa masakit na pinagdaanan sa young actress.

Samantalang may ipino-post si Enzo sa kanyang Instagram na very active ito ngayon sa sport at may kasama siyang girl. Ayon sa kampo ng young actor, matagal na raw kaibigan ni Enzo ang girl at walang kumpirmasyon na ang nasabing girl ang babaeng ipinalit niya kay Louise delos Reyes.

Teka, ano kaya ang maging reaction ng father ni Enzo kapag nakarating na itinatanggi ni Louise may third party involved sa break-up.

Matatandaan sa isang interview sa father ni Enzo, sinabi nito na kapag hindi raw tumigil sa pagsisinungaling ay baka ilabas daw diumano nito ang katibayan na talagang may third party sa break-up nina Enzo at Louise.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING